Mayor Vico Sotto announces Pasig is first LGU in PH to have “DOH/WHO-approved” vaccine plan

by Jet Hitosis
Jan 27, 2021
Mayor Vico Sotto COVID-19 vaccine plan
Pasig City Mayor Vico Sotto discussed the local government's vaccine plan in front of National Task Force Against COVID-10 officials on January 26, 2021.
PHOTO/S: @VicoSotto on Twitter

Malaki ang posibilidad na sa Pasig City isasagawa ang unang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ang Pasig kasi ang kauna-unahang local government unit (LGU) sa bansa na nakapagprisinta sa national government ng vaccine plan na aprubado ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH).

Ito ang inanunsiyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Martes ng hapon, January 26.

Tweet ni Mayor Vico: “I was told that Pasig is the First LGU with a DOH/WHO-approved vaccination plan!!”

Continue reading below ↓

Ginawa ng 31-year-old mayor ang anunsiyo kasunod ng pagbisita sa Pasig ng “VACCINATION CODE TEAM” ng national government.

Ang grupo ay pinangungunahan ng vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez Jr., National Task Force Against COVID-19 chief implementer; at ng testing czar na si National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Sa harap nina Galvez at Dizon, tinalakay ng Pasig City LGU ang mga detalye ng vaccine plan ng lungsod.

“Our LGU's Beat Covid-19 Task Force will continue to work with our national government agencies, WHO, private medical institutions, and NGOs.

“They've been with us every step of the way,” sabi pa ni Mayor Vico.

Continue reading below ↓

DILG REQUIRES A VACCINE PLAN FROM EACH LGU

Para mabigyan ang LGUs ng parte sa national stockpile ng bakuna kontra COVID-19 na binili ng gobyerno, kailangang maaprubahan muna ang vaccine plan nito, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang lahat ng LGUs sa bansa ay nakapailalim sa DILG.

Saklaw ng vaccine plan na ipiprisinta ng bawat LGU ang pagkakasa ng information campaigns tungkol sa gagawing pagbabakuna.

Kailangan ding nakahanda ang priority list ng mga babakunahan.

Mahalaga ring mayroon nang naitalagang vaccine centers, na kumpleto sa cold storage facilities para sa bakuna.

Obligado rin ang mga LGU na magkaroon ng master list ng mga kuwalipikadong medical at barangay personnel na magpapatupad ng vaccination program.

Layunin ng mga requirement na ito na matiyak ang maayos na pagbibiyahe, pagtatago, at pagtuturok sa mga COVID-19 vaccines.

PASIG VACCINE PLAN

Batay sa vaccine plan na ibinahagi ni Mayor Vico sa isang Twitter post, target ng Pasig LGU na mabakunahan ang 195,912 indibiduwal na nasa priority list ng lungsod.

Continue reading below ↓

Una sa priority list ang mga medical frontliners, kasunod ang mahihirap na senior citizens, ang iba pang senior citizens, ang persons with disabilities (PWDs), at ang uniformed personnel, tulad ng mga pulis at sundalo.

pasig city vaccine plan summary

Magbubukas ang Pasig ng 16 vaccination sites, na matatagpuan sa mga ospital at mga public schools.

Continue reading below ↓

Sa bawat site, mayroong tatlong team—o 70 medical personnel at support staff—na magbabakuna sa 348 indibiduwal bawat araw.

Sa kabuuan, target ng Pasig na mabakunahan ang 5,568 indibiduwal kada araw, ayon sa vaccine plan ng LGU.

pasig city vaccine target plan

Nauna nang naglaan ang Pasig LGU ng PHP300 million na pambili ng COVID-19 vaccines.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto discussed the local government's vaccine plan in front of National Task Force Against COVID-10 officials on January 26, 2021.
PHOTO/S: @VicoSotto on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results