Cebu Pacific launches month-long PHP25 seat sale; removes rebooking fee

by Jet Hitosis
Mar 2, 2021
Cebu Pacific is celebrating its 25th anniversary on March 8, 2021.
PHOTO/S: Cebu Pacific

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng isang buwang PHP25 seat sale ang Cebu Pacific.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng 25th anniversary ng airline company.

Simula March 1 hanggang March 31, 2021, ang Cebu Pacific flights sa anumang destinasyon sa Pilipinas ay nagkakahalaga lang ng PHP25 para sa mga biyahe ngayon hanggang sa December 31, 2021.

“On our 25th year, we remain humbled to be part of our passengers’ stories and life journeys,” saad sa press statement ni Candice Iyog, vice president for marketing and customer experience ng Cebu Pacific.

“We are in full support of the simplification of travel requirements, and expect to welcome more guests onto our flights in the coming months,” dagdag ni Iyog.

Tinukoy ni Iyog ang pinasimpleng requirements na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa domestic travels.

Sa bagong IATF rules, hindi na required ang travel authorization at health certificates sa domestic travels.

Continue reading below ↓

Ang quarantine protocols ay ipatutupad na lamang sa mga pasaherong may sintomas ng pagkakasakit, tulad ng lagnat.

NO MORE CHANGE FEES

Samantala, bukod sa isang buwang seat sale, magbibigay din ang Cebu Pacific ng 25 percent off sa flight add-ons.

Kasabay nito, permanente na ring inalis ng kumpanya ang change fees sa mga biyahe nito.

Ibig sabihin, maaari nang mag-rebook nang mag-rebook ang mga pasahero nang walang iniintinding dagdag na bayarin.

“In a recent survey that we conducted, flexibility remains to be one of the considerations of our passengers when deciding to travel again,” sabi ni Iyog.

“Because of this, we are permanently removing our change fees effective immediately.”

Maaaring ayusin ang bookings online sa pamamagitan ng “Manage Booking” portal sa Cebu Pacific website.

Tandaan lang na maaaring baguhin ang bookings dalawang oras bago departure.

Lumipad ang Cebu Pacific sa unang pagkakataon noong March 8, 1996. Ang biyahe nito ay mula sa Maynila patungong Cebu.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, may flights ang Cebu Pacific sa pitong pangunahing airports sa bansa; Clark, Davao, Cagayan de Oro, Kalibo, Cebu, Iloilo, at Manila.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cebu Pacific is celebrating its 25th anniversary on March 8, 2021.
PHOTO/S: Cebu Pacific
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results