Dizziness, rashes after COVID-19 vaccine jab “normal and expected"

by Jet Hitosis
Mar 2, 2021
The COVID-19 vaccine will be given in two shots. The second jab, the booster, will be given four weeks after receiving the first shot, the primer. Its side effects are also said to be stronger.
PHOTO/S: unsplash.com

Ilang medical frontliners ang dumanas ng side effects pagkatapos maturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China nitong Lunes, March 1, 2021.

Sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, nakaramdam ang ilang health workers ng pagkahilo at nagkaroon ng rashes sa katawan.

Sa Laging Handa media briefing nitong Martes, March 2, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 20 ang naitala nilang health workers na nakaranas ng side effects ng COVID-19 vaccine.

“As of 9:00 this morning, we had a total of 20 adverse events following immunization dito po sa iba’t ibang hospital na nagsagawa ng bakunahan,” ani Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire, bukod sa pagkahilo at pagkakaroon ng rashes, ilan pang health workers na nabakunahan ang nakaramdam rin ng kirot sa bahagi ng braso na naturukan ng bakuna at mayroon ding tumaas ang blood pressure.

“Among the 20 individuals, ito po ay mga minor and common na sintomas pagkatapos ng pagkakainiksyon,” dagdag ng opisyal.

Continue reading below ↓

Normal lang daw ang mga ito at makalipas ang ilang oras ay kusang nawawala.

COVID-19 SIDE EFFECTS

Bukod sa mga nabanggit, inaasahan na ring side effects sa anumang pagbabakuna ang pamamaga o pamumula ng bahaging naturukan, pananakit ng ulo, muscle pain, panghihina o pagkapagod, diarrhea, at lagnat, ayon sa DOH.

Paalala pa ng DOH, mahalagang tandaan na iba-iba ang epekto ng bakuna sa bawat tao.

Karamihan raw ng nababakunahan ay hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng side effects.

Paglilinaw naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang lahat ng nagpaparehistro para magpabakuna ay tinatanong tungkol sa kanilang medical history.

Inuusisa rin daw maging ang mga gamot na iniinom ng magpapabakuna.

“Actually, magpapalista ka pa lang, tatanungin na sa inyo lahat ng mga sakit ninyo— kung mayroon kayong allergies, kung anong mga gamot ang tine-take ninyo, to see kung mayroong contraindication,” sinabi ni Domingo sa panayam ng TeleRadyo nitong Lunes.

Continue reading below ↓

Dati nang sinabi ni DOH Undersecretary Vergeire na kailangang magpa-assess at magpa-certify muna sa doktor ang magpapabakuna kung may allergic reactions ito sa pagkain o gamot o anumang bakuna bago magpaturok ng COVID-19 vaccine.

SIDE EFFECTS ARE “ACTUALLY GOOD”—EXPERT

Sa panayam naman ng CNN kay Dr. Leana Wen, emergency physician at visiting professor sa George Washington University Milken Institute School of Public Health sa Washington, DC sa Amerika, sinabi nitong “normal and expected” ang mga nabanggit na side effects pagkatapos mabakunahan.

Sa katunayan, “good” daw ang ibig sabihin nito.

“If you develop these side effects, you should know that this is normal and expected. And that these symptoms are actually good!” sabi ni Wen sa CNN.

“It means that the vaccines are working. This is your body's reaction.

“The vaccine is stimulating your immune system to produce antibodies that will protect you against coronavirus infection in the future.

“There are some people who have minimal or no side effects. The vaccine is also working in them, but their bodies are just reacting in a different way.”

Continue reading below ↓

THE PRIMER AND BOOSTER SHOTS

Kinumpirma rin ni Wen na karaniwang mas matindi ang side effects ng ikalawang shot ng COVID-19 vaccine, na ibinibigay apat na linggo makalipas ang unang shot.

Paliwanag ni Wen: “A hypothesis is that the first shot, the primer, gets your immune system ready.

“The second shot, the booster, is when your body is already primed and that's why you have stronger response.

“Remember that the response is a good thing and evidence that the vaccine is working!”

Sakaling hindi agad mawala ang mga sintomas ng side effects pagkatapos magpabakuna, makabubuting kumonsulta sa healthcare professionals.

Una nang tiniyak ng DOH na bagamat mayroong “risks of complications” sa paggamit ng COVID-19 vaccines, “severe or life-threatening reactions are extremely rare.”

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The COVID-19 vaccine will be given in two shots. The second jab, the booster, will be given four weeks after receiving the first shot, the primer. Its side effects are also said to be stronger.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results