Ready for the jab? What you need to know about COVID-19 inoculation

by Jet Hitosis
Mar 3, 2021
American infectious disease expert Dr. Aaron E. Glatt tells top medical website webmd.com that "there is nothing specific a person should do prior to taking the COVID-19 vaccine."
PHOTO/S: unsplash.com

Handa na ba kayong magpabakuna laban sa COVID-19?

Nitong Lunes, March 1, ay opisyal nang nagsimula ang pagbabakuna sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Nabakunahan na ang ilang medical frontliners sa mga pangunahing government hospitals at ang ilang opisyal ng gobyerno.

Sa vaccination plan ng pamahalaan, uunahing bakunahan ang mga medical frontliners, kasunod ang mga senior citizens, mga persons with disabilities (PWDs), at ang uniformed personnel.

Sisikapin ding mabakunahan nang libre ang pinakamahihirap na pamilya.

Habang hinihintay ang pagdating ng mas marami pang COVID-19 vaccines, tuluy-tuloy ang paghahanda ng mga local government units (LGUs) para magsagawa ng mass inoculation.

Sinimulan na ng LGUs ang online pre-registration sa kanilang constituents at ang link para rito ay karaniwang matatagpuan sa website ng mga lokal na pamahalaan.

Para makapagparehistro, kailangang ibigay ang pangalan, birthday, kasarian, address, propesyon, at iba pang identifiers, tulad ng QR code at ID o PhilHealth number.

Ang mga successful registrants ay bibigyan ng vaccination date at time schedule at immunization card na may QR code at iyon ang dadalhin sa vaccination site.

Continue reading below ↓

Ayon sa Department of Health (DOH), hindi papayagan ang walk-in sa alinmang vaccination site.

PREPARING FOR THE JAB

May mga paghahanda bang kailangang gawin bago magpabakuna laban sa COVID-19?

“In general, there is nothing specific a person should do prior to taking the COVID-19 vaccine,” sinabi ni Dr. Aaron E. Glatt, hospital epidemiologist at chief of infectious diseases ng Mount Sinai South Nassau sa New York, sa top medical website na webmd.com.

Kung mayroon mang makakatulong para maihanda ang katawan ng babakunahan, iyon ay ang pagkakaroon ng sapat na tulog, pagkain nang maayos, at pagiging well-hydrated sa araw ng pagbabakuna, ayon kay Glatt.

Hindi raw inirerekomenda ang pag-inom ng allergy medications kung nangangamba ang recipient sa magiging side effects ng bakuna sa kanya.

“There is no need to ‘pre-medicate’ with any medications for the vast majority of people,” sabi ni Glatt.

Hindi raw kasi nito mapipigilan ang severe allergic reactions sa bakuna, kung mayroon man, ani Glatt.

Continue reading below ↓

AT THE VACCINATION SITE

Anu-ano ang daraanang proseso sa gagawing pagbabakuna?

Batay sa DOH guidelines, pagdating sa vaccination site ay mananatili muna sa waiting area ang recipient.

May safety officer doon na magpapatupad ng physical distancing at iba pang health protocols sa mga naghihintay na mabakunahan.

REGISTRATION

Sa registration area sa site, i-scan ang QR code ng recipient.

Doon ipiprisinta ang immunization card, valid ID, at iba pang dokumento na maaaring i-require ng LGU.

HEALTH EDUCATION

Pagkatapos ay didiretso na ang recipient sa health education area sa site.

Naroon ang vaccination team na magpapaliwanag sa babakunahan tungkol sa mga benepisyo at sa posibleng side effects ng COVID-19 vaccine.

Kasunod nito, papipirmahin ang recipient sa consent form, patunay na pumapayag itong maturukan ng COVID-19 vaccine.

Isasalang ang recipient sa final screening, kung saan magsasagawa ng physical examination para matiyak na nasa tamang kondisyon ito upang tanggapin ang bakuna.

VACCINATION

Didiretso na ang recipient sa vaccination area, at doon siya tuturukan ng COVID-19 vaccine sa itaas na bahagi ng braso.

Continue reading below ↓

Isusulat ng vaccination team sa immunization card ng recipient ang lahat ng detalye tungkol sa ginawang pagbabakuna.

Sasabihin din sa recipient kung kailan siya babalik para sa second shot ng COVID-19 vaccine.

Ginagawa ang second shot apat na linggo o isang buwan matapos ang unang pagbabakuna.

POST-VACCINATION MONITORING

Pagkatapos mabakunahan, sa post-vaccination monitoring area naman maglalagi ang recipient.

Doon ay oobserbahan siya ng 30 minuto hanggang isang oras sa posibleng adverse reactions, na sintomas ng side effects ng bakuna.

Kapag tapos na ang monitoring period, bibigyan ng instructions ang recipient kung ano ang gagawin at paano at saang health facility pupunta sakaling may maramdaman siyang side effects ng bakuna.

Kabilang sa mga normal at inaasahang adverse reactions sa bakuna ang pananakit o pamamaga ng bahaging naturukan, pagkahilo, pananakit ng ulo, panghihina, diarrhea, at lagnat, ayon sa DOH.

Maaari rin namang walang anumang adverse reactions ang isang recipient ng COVID-19 vaccine.

Continue reading below ↓

Pareho rin ang prosesong pagdaraanan ng recipient sa ikalawang beses na magpapabakuna siya makalipas ang apat na linggo.

Batay sa latest data ng DOH nitong March 2, pumalo na sa 580,442 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng COVID-19 sa bansa simula January 30, 2020.

Nasa 2,067 ang bagong nagpositibo sa virus nitong Martes, at may kabuuang 33,610 COVID-19 patients ang ginagamot ngayon.

Halos isang taon makaraang magpatupad ng lockdown, 12,369 na ang binawian ng buhay sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American infectious disease expert Dr. Aaron E. Glatt tells top medical website webmd.com that "there is nothing specific a person should do prior to taking the COVID-19 vaccine."
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results