Environment watchdog warns against mercury-laced skin-whitening cosmetics sold online

by Jet Hitosis
Mar 3, 2021
In its fact sheet about mercury and its health hazards, the World Health Organization (WHO) confirms that “inorganic mercury is added to some skin-lightening products in significant amounts."
PHOTO/S: unsplash.com

March 3 ngayon. Nakapag-add to cart ka na ba?

Kasabay ng “3.3” online shopping madness na alok ng e-commerce giants ngayong Miyerkules, pinag-iingat ng environment watchdog na EcoWaste Coalition ang publiko laban sa umano’y nakalalasong skin-whitening cosmetics.

Sa babalang ipinalabas noong Martes, March 2, sinabi ng environmental group na mayroon umanong ipinagbabawal at nakalalasong substance na mercury ang ilang skin-whitening cosmetics na mabibili online.

Ang mercury ay ikinokonsidera ng World Health Organization (WHO) bilang “one of the top ten chemicals or groups of chemicals of major public health concern.”

Ayon sa WHO, delikado sa “neurological and behavioural disorders” ang mga taong regular na nalalantad sa mercury.

“Symptoms include tremors, insomnia, memory loss, neuromuscular effects, headaches and cognitive and motor dysfunction,” saad sa “Mercury and health” fact sheet ng WHO.

Sa parehong pahayag, kinumpirma ng WHO na “inorganic mercury is added to some skin-lightening products in significant amounts.

“Many countries have banned mercury-containing skin-lightening products because they are hazardous to human health,” anang WHO.

Continue reading below ↓

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa kung saan mahigpit nang ipinagbabawal ang paggamit ng mercury.

MERCURY-LACED, NOT REGISTERED

Para sa “Toxic Exposé: Online Trade of Mercury-Containing Skin Whitening Cosmetics in the Philippines” report ng EcoWaste, nagsuri ang grupo ng 65 sample skin-lightening cosmetics na binili nito online.

Gamit ang X-Ray Fluorescence (XRF) device, sinuri nila sa mercury ang nabanggit na mga produkto.

Forty (40) daw sa 65 sample products ang natukoy na mayroong mercury, na libu-libo ang angat sa 1 ppm (parts per million), ayon sa EcoWaste.

Sa mga lugar kung saan pinapayagan pa rin ang mercury, hanggang 1 ppm lang ang maximum permissible level nito.

“None of the 65 samples are duly notified or registered with the Food and Drug Administration (FDA),” saad sa pahayag ng grupo nitong Martes.

Binigyan na raw ng EcoWaste ng kopya ng report ang FDA “for its reference and action.”

Sinabi naman ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo, na makatulong daw sana ang kanilang report upang mapakilos ang “online shopping and social media sites to strictly disallow and monitor the use of their far-reaching platforms to advertise and sell adulterated, counterfeit and unauthorized cosmetics such as those with mercury content.”

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ng grupo ang brand ng alinman sa mga sample products na sinuri nito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In its fact sheet about mercury and its health hazards, the World Health Organization (WHO) confirms that “inorganic mercury is added to some skin-lightening products in significant amounts."
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results