Nag-aalok ng libreng reproductive health services ang Commission on Population and Development (POPCOM) ngayong March.
Bahagi ito ng selebrasyon para sa National Women’s Month ngayong buwan.
Bagamat inilunsad ang programa sa Buwan ng Kababaihan, kabilang sa mga iniaalok na libreng health services ay para rin sa mga lalaki.
Sa official statement ng Philippine Commission on Women (PCW), sinabi nitong “ang pagpaplano ng pamilya at pangangalaga sa kalusugan ay responsibilidad hindi lamang ng kababaihan,” kundi maging ng kanilang mga mister.
Simula nitong March 1 hanggang sa March 31, 2021, alok ng POPCOM ang sumusunod na mga serbisyo:
- Family planning counseling
- Family planning commodities, gaya ng condoms, pills, injectable, implant, at IUD
- Permanent family planning procedures, tulad ng bilateral tubal ligation (BTL) para sa kababaihan at no-scalpel vasectomy (NSV) para sa kalalakihan
Maaari itong ma-avail sa POPCOM Family Wellness Clinic na nasa Welfareville Compound sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Para sa iba pang detalye at impormasyon, tumawag sa POPCOM-National Capital Region sa 0961-7432337 at 0927-2998764, o sa POPCOM Family Wellness Clinic sa (02)-8782-9284, (02) 8531-6897, 0918-9234912, at 0917-3756721.
Maaari ring magpadala ng private message sa Facebook pages ng POPCOM (@popcom.ncr.official) at PCW (@PCWgovph).