Lost pet dogs in Valenzuela can now be traced easily through microchips

by Jet Hitosis
Mar 8, 2021
Valenzuela City microchipping pet dogs
Registration for free microchip implants for pet dogs in Valenzuela City will begin on Saturday, March 13, 2021.
PHOTO/S: unsplash.com

Magiging madali na ang paghahanap sa mga nawala o naligaw na alagang aso sa Valenzuela City.

Ito ay dahil libreng iparerehistro at kakabitan ng microchip ang mga pet dogs sa lungsod, alinsunod sa bagong programang ValPets.

Sa programa, may opsiyon ang mga residenteng pakabitan ng microchip ang kanilang alagang aso na magsisilbing permanenteng ID ng pet.

Sa paliwanag ng Valenzuela City government sa YouTube channel nito, sinabing ang microchip implant ay isang integrated circuit na gumagamit ng radio frequency identification (RFID) technology.

Sa RFID method, sa pamamagitan ng radio waves ay nai-scan at nababasa ang mga datos mula sa isang electronic tag (microchip), para sa pagtukoy at pag-track sa kinakabitan nito.

MICROCHIPPING YOUR DOGS

Ang bawat microchip ay may unique number at nakapaloob doon ang mga basic information tungkol sa alagang aso, gaya ng pangalan at contact details ng owner nito.

Ayon sa pets.webmd.com, kasing laki lamang ng butil ng bigas ang microchip.

Continue reading below ↓

Gamit ang malaking karayom, ipinapasok ito sa ilalim ng balat ng aso, sa pagitan ng shoulder blades nito, sa may itaas na bahagi ng likod.

Segundo lamang ang itinatagal ng proseso, na halos walang ipinagkaiba sa karaniwang pagbabakuna sa aso.

Matagal nang ginagawa ang microchipping sa mga hayop gaya ng aso, pusa, kabayo, at iba pang mammals.

Samantala, tiniyak ng Valenzuela City government na “LIGTAS at hindi masakit” ang pagkakabit ng microchip sa aso.

Sisimulan sa Sabado, March 13, ang pagpaparehistro para sa libreng microchipping sa mga alagang aso.

Valenzuela City microchip implant for dogs

Continue reading below ↓

Magtatalaga ang City Veterinary Services Office ng registration site sa bawat barangay para tiyaking marami ang makapagpaparehistro.

RETRIEVING THE LOST PET

“Sa sandaling may maligaw na aso at matagpuan ng ating City Veterinary Services Office, kailangan lang nilang i-scan ang microchip implant ng aso,” ayon sa city government.

Sa scanning, mabilis na malalaman ang mahahalagang detalye tungkol sa aso at matutukoy ang may-ari rito.

Ang mga detalye tungkol sa aso—gaya ng breed, kulay, kailan natagpuan, at pangalan ng may-ari—ay ipo-post sa valpets.appcase.net website.

Sakaling mawala ang asong may microchip implant, sa nabanggit na website magmo-monitor ang owner nito para malaman kung natagpuan na ba ang kanyang aso.

Nakadetalye rin sa website ang proseso sa pagtubos sa pet dog.

Valenzuela efforts for retrieving lost dogs

Continue reading below ↓

Maaaring personal na sunduin ng owner ang kanyang aso mula sa kustodiya ng City Veterinary Services Office.

Pupuwede rin namang ipahatid ang aso sa bahay ng may-ari, pero may delivery fee na babayaran sa pamamagitan ng PayMaya.

Ayon sa city government, ang mga asong hindi matutubos ay ipapaampon.

Sa parehong website rin ipo-post ang mga asong subject for adoption.

Nauna nang nagpatupad ng microchipping sa mga alagang hayop ang Muntinlupa City at Makati City.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Registration for free microchip implants for pet dogs in Valenzuela City will begin on Saturday, March 13, 2021.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results