2 Manila barangays to be placed under lockdown; curfew back in San Juan, Caloocan

by Jet Hitosis
Mar 10, 2021
Manila lockdown, San Juan, Caloocan City curfew, COVID-19 cases
A woman sits near a barricade in what used to be a crowded and busy area (left) in Manila in August 2020. How a bridge (right) in Binondo, Manila looks like during curfew hours in 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19, sasailalim sa four-day lockdown ang dalawang barangay at dalawang hotel sa Maynila habang muling magpapatupad ng city-wide curfew sa San Juan City at Caloocan City.

Ayon sa Manila Public Information Office, simula 12:01 ng hatinggabi ng Huwebes, March 11, hanggang 11:59 ng gabi ng Linggo, March 14, ay naka-lockdown ang Barangay 351 sa Tayuman at ang Barangay 725 sa Malate.

Sa ilalim ng Executive Order No. 06, isasailalim din sa lockdown ang Malate Bayview Mansion at ang Hop Inn Hotel na nasa Barangay 699.

MANILA

Sa paliwanag ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Martes, March 9, sinabi niyang itinuturing na areas of concern ang nabanggit na mga lugar makaraang makapagtala ng mahigit sampung COVID-19 infections.

Ayon kay Mayor Isko, mayroong 12 aktibong kaso ng COVID-19 sa Barangay 351, habang 14 na active cases naman sa Barangay 725.

Sa Barangay 699, may 12 na kumpirmadong kaso raw ng COVID-19 sa Malate Bayview Mansion habang tatlo naman sa Hop Inn.

Continue reading below ↓

“Lahat ng barangay na may 10 pataas na infection ay isasara natin pansamantala yung kanilang buong barangay o kanilang buong building, or what we call lockdown,” sabi ni Mayor Isko.

Sa lockdown, mahigpit na ipagbabawal ang paglabas sa bahay ng mga residente, maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Ang mga APOR ay kinabibilangan ng mga health workers, pulis at militar, government employees, barangay officials, frontline personnel (service, utility, at essential workers), at media practitioners na aprubado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa kasalukuyan, nasa 988 ang active COVID-19 cases sa Maynila.

Manila: Barangay lockdown official announcement

Continue reading below ↓

SAN JUAN CITY

Sa San Juan City, muling ipapairal ang curfew sa buong lungsod simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga kinabukasan.

Ayon sa Executive Order No. 072 ni Mayor Francis Zamora, sinimulang ipatupad ang curfew nitong Martes, March 9.

Ang sinumang susuway ay maaaring ireklamo ng paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Act.

Ang mapatutunayang lumabag ay pagmumultahin ng PHP20,000 hanggang PHP50,000 o makukulong ng isa hanggang anim na buwan o pareho, depende sa pasya ng korte.

Exempted sa curfew ang mga health workers at frontline personnel, naka-duty na law enforcers, local government employees na naghahatid-serbisyo, government o private employee na galing sa duty na makapagpapakita ng pruweba sa oras ng duty, mga driver ng pampublikong sasakyan na pinapayagang mamasada, delivery services ng pagkain o gamot, at mga may emergency.

Mayroong 163 active COVID-19 cases sa San Juan sa ngayon.

Continue reading below ↓

San Juan City: City-wide curfew official announcement

CALOOCAN CITY

Simula ngayong Miyerkules, March 10, ipatutupad na rin muli ang curfew sa buong Caloocan City simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga kinabukasan.

Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 010 ni Mayor Oscar Malapitan.

Bukod dito, muli ring ipatutupad ng city government ang color-coded quarantine pass system sa siyudad upang malimitahan ang mga tao sa loob ng mga palengke at supermarket simula ngayong Miyerkules.

Continue reading below ↓

Ang bawat isang household ay bibigyan ng quarantine pass, na available sa tatlong kulay: green, orange, o white.

Narito ang schedule ng pamimili sa palengke at supermarket para sa bawat kulay ng quarantine pass:

Caloocan City: Color-coded quarantine pass official announcement

Ang mga APOR ay kailangan lang magpakita ng ID para payagang makapasok sa loob ng palengke o supermarket.

Continue reading below ↓

Ayon sa huling datos ng Caloocan City Health Department, umakyat na sa 371 ang aktibong kaso ng COVID-19 cases sa lungsod.

Sa isang official statement, sinabi ni Malapitan: “Muli po tayong humihingi ng pang-unawa at kooperasyon sa mga mamamayan ng Caloocan. Sumunod po tayo.

“Kailangan po natin itong muling ibalik upang hindi na lumala ang sitwasyon at hindi na magpatupad ng total lockdown.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A woman sits near a barricade in what used to be a crowded and busy area (left) in Manila in August 2020. How a bridge (right) in Binondo, Manila looks like during curfew hours in 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results