Metro Manila LGUs to impose uniform curfew starting March 15

by Jet Hitosis
Mar 11, 2021
Metro Manila uniform curfew
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos on March 11 announces the imposition of a uniform curfew in all 16 cities and one municipality in Metro Manila beginning March 15.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Magpapatupad ng uniform curfew sa buong Metro Manila simula sa Lunes, March 15.

Ngayong Huwebes ng gabi, March 11, inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na lahat ng 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila ay magpapatupad ng curfew simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ginawa ni Abalos ang pahayag pagkatapos ng tatlong oras na pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) tungkol sa pagkakaroon ng uniform curfew.

Ang MMC ay ang policy-making body ng MMDA. Binubuo ito ng mga alkalde ng 17 LGUs sa Metro Manila.

Sa kanyang virtual press conference ngayong gabi, sinabi ni Abalos na tatagal ng dalawang linggo ang uniform curfew.

Muling nagpapatupad ng curfew dahil sa biglaang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa, partikular sa Metro Manila, simula March 5.

Ngayong Huwebes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,749 na bagong kaso ng COVID-19 infections.

Dahil dito, pumalo na sa 607,048 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Sa bilang na ito, 47,769 ang kasalukuyang ginagamot, habang 12,608 na ang namatay.

DOH COVID-19 case bulletin as of March 11, 2021

“Kung bumaba naman tatanggalin agad,” ani Abalos, tinukoy ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay Abalos, kasabay ng curfew ay nagpapatupad ng granular o isolated lockdowns ang iba’t ibang LGUs na maraming new infections na naitatala.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos on March 11 announces the imposition of a uniform curfew in all 16 cities and one municipality in Metro Manila beginning March 15.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results