PH reports 4,578 new COVID-19 infections; highest in 6 months

by Jet Hitosis
Mar 12, 2021
COVID-19 cases
The Department of Health reports today, March 12, the highest daily rise in COVID-19 cases in six months after total confirmed cases climbed to 611,618 with 4,578 new infections.
PHOTO/S: unsplash.com

Pumalo na sa mahigit 4,000 ang bilang ng mga bagong nagpositibo sa COVID-19 ngayong Biyernes, March 12.

Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 4,578 bagong COVID-19 cases ngayong araw.

Ito ang pinakamaraming new infections na naitala sa nakalipas na anim na buwan.

September 14, 2020 nang huling maitala ang 4,699 bagong kaso ng pagkakasakit sa bansa.

Sa kasalukuyan, 51,012 na ang ginagamot sa COVID-19.

Sumampa na sa 611,618 na ang nagpositibo sa virus sa bansa simula noong January 30, 2020.

Sa bilang na ito, 12,694 ang namatay, batay sa latest data ng DOH.

DOH Covid-19 case bulletin as of March 12, 2021

Continue reading below ↓

13 METRO CITIES LOGS “SIGNIFICANT” INCREASE IN CASES

Lumampas sa 4,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19, gaya ng tinaya sa weekly monitoring report ng OCTA Research Group ngayong Biyernes.

Ayon sa OCTA, inaasahan nang papalo sa mahigit 4,000 ang mga bagong COVID-19 cases na maitatala araw-araw hanggang sa pagtatapos ng March dahil sa “faster trend” sa pag-uulat ng mga bagong infections sa Metro Manila.

Sa hiwalay na report ng OCTA, kinumpirma nitong may “significant upward trends” ng mga bagong COVID-19 cases sa Quezon City, Pasay City, Makati City, Parañaque City, Taguig City, Caloocan City, Pasig City, Malabon City, Valenzuela City, Marikina City, Navotas City, Mandaluyong City, at Muntinlupa City.

Sa bulletin ng OCTA ngayong Biyernes, sinabi nitong may average na 1,546 bagong COVID-19 cases ang naitatala araw-araw sa nakalipas na linggo.

Tumaas din daw ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila, na nasa 1.86 na ngayong araw kumpara sa 1.66 nitong March 8.

Continue reading below ↓

Bagamat masusing pinagtutuunan ng mga awtoridad ang mga nagpopositibo sa virus sa Metro Manila, sinabi ng OCTA na dumadami rin ang new infections sa Region 4-A (Calabarzon) at Region 3 (Central Luzon), partikular sa Antipolo City at Cainta sa Rizal; Bacoor at Imus sa Cavite; at Santa Maria sa Bulacan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Department of Health reports today, March 12, the highest daily rise in COVID-19 cases in six months after total confirmed cases climbed to 611,618 with 4,578 new infections.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results