Minors barred from leaving homes starting March 17 — MMDA

by Jet Hitosis
Mar 16, 2021
NCR minors banned from going out
Beginning tomorrow, March 17, only individuals aged 18-65 are allowed to go outside their residences amid the alarming surge in COVID-19 cases in Metro Manila, according to Metropolitan Manila Development Auhority (MMDA).
PHOTO/S: Charlein Gracia for unsplash.com

Hindi pinapayagang lumabas ng bahay ang mga minors, edad 17 pababa sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes, March 16.

Sinabi ng MMDA na ipinagbabawal na muli ang paglabas ng bahay ng mga menor de edad simula bukas, Miyerkules, March 17.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ito ang napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors upang mapigilan ang pagdami ng nahahawahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ipatutupad ito sa lahat ng 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila hanggang sa March 31, 2021.

Sa isang official statement, nagbabala rin si Abalos ng ibayong pag-iingat laban sa pagkakahawahan ng virus sa magkakapamilya.

“We encourage everyone to strictly observe and practice the minimum health protocols, and be extra careful and follow stringent measures particularly when around vulnerable family members, as there have been reports of transmission among family members.

Continue reading below ↓

“As I've said before, the metro mayors and MMDA are regularly monitoring the COVID-19 numbers and we will implement calibration and changes on our directives depending on the figures that we have,” sabi ng MMDA chairman.

10,000-11,000 DAILY NEW INFECTIONS POSSIBLE

Samantala, nagbabala si Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Research Group ng University of the Philippines (UP) na posibleng sumampa sa 10,000 hanggang 11,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala hanggang sa katapusan ng March kung magtutuluy-tuloy ang kasalukuyang trend.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel kay David ngayong Martes, sinabi ng doktor na posibleng magtuluy-tuloy ang pagdami ng naitatalang bagong COVID-19 cases.

Ito raw ay dahil nasa 2.03 na ang reproduction rate, o ang transmission rate ng virus, sa bansa sa ngayon.

Sa huling bahagi lang ng nakalipas na linggo ay tinaya ng OCTA sa 8,000 ang maitatalang daily new infections hanggang sa pagtatapos ng March.

Pero dahil daw sa tuluy-tuloy na pagtaas ng transmission rate at pagdami ng mga nagpopositibo ay binago na ng OCTA ang estimate nito.

“So right now, the numbers that you mentioned, 8,000 to 9,000 they have now been up to 10,000 to 11,000 by the end of this month,” ani David.

Sa latest data ng Department of Health (DOH) ngayong Martes ng hapon, nasa 4,437 ang bagong nahawahan ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 631,230 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Sa bilang na ito, 57,736 ang kasalukuyang ginagamot, habang 12,848 na ang namatay.

COVID-19 cases March 16, 2021

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beginning tomorrow, March 17, only individuals aged 18-65 are allowed to go outside their residences amid the alarming surge in COVID-19 cases in Metro Manila, according to Metropolitan Manila Development Auhority (MMDA).
PHOTO/S: Charlein Gracia for unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results