DepEd to conduct month-long early registration starting March 26

by Jet Hitosis
Mar 18, 2021
DepEd early registration for school year 2021-2011
The Department of Education (DepEd) will conduct a month-long early registration for the next school year beginning March 26, months before the School Year 2020-2021 ends on July 10, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) sa susunod na linggo ang maagang pagpaparehistro para sa School Year 2021-2022.

Gagawin ito simula sa March 26, araw ng Biyernes, at tatagal hanggang sa Abril 30, Biyernes din.

“The month-long activity is initiated to ensure that incoming learners are registered for the school year and help the department better prepare for possible issues and concerns that may arise,” saad sa press statement ng DepEd.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dahil sa pandemya, ang maagang pagpaparehistro ng mga estudyante ay gagawin remotely sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Papayagan naman ang “in-person registration through parents or guardians” sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ), sabi ni Briones.

Kailangan lamang daw “strictly observed” ang physical distancing at iba pang health at safety protocols sa mga personal na magpaparehistro ng kanilang mga anak.

Sinabi ng DepEd na layunin din ng early registration na ma-“identify and register out of school youth and children who may be identified as living with disabilities.”

Continue reading below ↓

Noong nakaraang taon, remote din ang naging pagpaparehistro sa mga estudyante dahil sa panganib ng COVID-19.

Para sa School Year 2020-2021, sa unang pagkakataon ay ipinatupad sa Pilipinas ang distance learning matapos na suspendihin ng gobyerno ang face-to-face classes sa mga eskuwelahan.

Ang distance learning ay ang kumbinasyon ng online classes, printed modules, at lessons na mapapanood sa telebisyon at mapakikinggan sa radyo.

Sa July 10, 2021 opisyal na magtatapos ang School Year 2020-2021.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Department of Education (DepEd) will conduct a month-long early registration for the next school year beginning March 26, months before the School Year 2020-2021 ends on July 10, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results