Explainer: What you need to know about stricter GCQ & NCR Plus Bubble

by Jet Hitosis
Mar 22, 2021
Stricter GCQ for NCR Plus Bubble
As some areas in Metro Manila, like this barangay in Manila, are being subjected to granular lockdown, the government imposes stricter General Community Quarantine (GCQ) guidelines in the region, which is now part of the so-called NCR Plus Bubble.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Kasunod ng pagtatala ng lampas 7,000 bagong nahawahan ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na tatlong araw, naghigpit pa ang gobyerno sa ipinatutupad na General Community Quarantine (GCQ) restrictions sa National Capital Region (NCR) at sa mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Simula ngayong Lunes, March 22, hanggang sa April 4, ipatutupad ang mas istriktong GCQ guidelines sa nabanggit na mga lugar—na tinawag na NCR Plus Bubble.

Sa bisa ng Resolution No. 104 ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, mahigpit na ipagbabawal ang paglabas at pagpasok sa NCR Plus Bubble sa mga non-essential travels.

Layunin nitong ma-contain ang COVID-19 cases sa Metro Manila, kung saan naitatala ang pinakamaraming dinadapuan ng virus sa nakalipas na mga linggo.

WHO CAN LEAVE & ENTER THE BUBBLE?

Tulad ng dati, papayagang tumawid sa NCR Plus Bubble ang mga authorized persons outside their residences (APOR), bagamat may konsiderasyon din sa ilang exceptions.

Continue reading below ↓

Ang mga APOR ay ang sumusunod:

  • Health at emergency frontline services personnel
  • Papasok sa trabaho o pauwing essential workers, na dapat magprisinta ng ID
  • Mga opisyal ng gobyerno at government frontline personnel
  • Mga awtorisadong humanitarian assistance actors

Samantala, papayagan ding tumawid sa NCR Plus Bubble ang mga sumusunod:

  • Kailangang bumiyahe para sa medical at humanitarian reasons
  • Papunta sa airport para sa biyahe
  • Mga returning overseas Filipinos o overseas Filipino workers na pauwi sa bahay

Sa Malacañang press briefing ngayong Lunes, nilinaw ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lieutenant General Guillermo Eleazar na walang ipatutupad na mobility restrictions sa loob ng NCR Plus Bubble.

Paliwanag niya, “Checkpoints in NCR are not to restrict movement.

“Within the bubble, the movement is not restricted. It is only when crossing the border that we will be strictly monitoring.”

LIFE INSIDE THE BUBBLE

Sa ilalim ng mas istriktong GCQ, tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo ng lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Continue reading below ↓

Inirekomenda naman ng IATF sa publiko na gumamit ng bisikleta sa pagbibiyahe.

Kung malapit lang ang pupuntahan, mas mainam daw kung maglakad na lamang.

Magpapatuloy ang operasyon ng mga negosyo, pero pananatilihin pa rin ang 30% hanggang 50% na operational at on-site capacity.

Hinihikayat ang pribadong sektor na ipagpatuloy ang pagpapairal ng alternatibong working arrangements sa mga empleyado, tulad ng work-from-home at staggered working hours set-up.

Kasabay nito, mahigpit na ipagbabawal ang mga personal na paghaharap at face-to-face meeting sa lugar ng trabaho.

Bawal din ang sama-sama o magkakaharap na pagkain ng mga empleyado.

Stricter GCQ for NCR Plus Bubble

Continue reading below ↓

ADDITIONAL RESTRICTIONS UNDER GCQ

Alinsunod sa IATF Resolution No. 104, mahigpit na ipinagbabawal sa NCR Plus Bubble ang mga sumusunod:

  • Mass gathering, kabilang ang may kinalaman sa religious practice. Sa mga pagtitipong tulad ng kasal, binyag, at libing, 10 katao lang ang maaaring dumalo.
  • Indoor dining sa mga restaurant, na lilimitahan ang serbisyo sa takeout at delivery. Papayagan naman ang al fresco o outdoor dining, pero dapat mahigpit na tumatalima sa minimum health protocols.
  • Operasyon ng mga sinehan, game arcade, driving school, library, museum, cultural center, at mga limitadong social events at establisimyentong accredited ng Department of Tourism (DOT).
  • Anumang uri ng sabong, maging sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).
  • Paglabas ng bahay simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

IATF: Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, NCR Curfew

Continue reading below ↓

STAYING HEALTHY AT HOME

Ngayong dumadami muli ang mga nagpopositibo sa COVID-19, kinakailangang manatili sa loob ng bahay ang mga sumusunod:

  • Edad 18 pababa at 65 years old pataas
  • May mga immunodeficiency, comorbidity, at iba pang delikado ang kalusugan
  • Mga buntis

Samantala, mariing iminumungkahi ng IATF ang hindi pagtanggap ng sinumang bisita sa loob ng bahay sa ngayon.

Ipinapayo rin ang pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay kung may mga kasamang matatanda, may sakit, buntis, bata, at iba pang nasa high-risk group.

Ngayong Lunes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,019 bagong kaso ng COVID-19.

Ito ang pinakamataas na new COVID-19 infections na naitala simula noong January 30, 2020.

Dahil dito, lumobo na sa 671,792 ang total confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, 80,970 ang kasalukuyang ginagamot, habang 12,972 na ang namatay.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As some areas in Metro Manila, like this barangay in Manila, are being subjected to granular lockdown, the government imposes stricter General Community Quarantine (GCQ) guidelines in the region, which is now part of the so-called NCR Plus Bubble.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results