Manila bishop says Holy Week services in churches will be decided upon by “local communities”

by Jet Hitosis
Mar 24, 2021
Holy Week 2021 services
A worker disinfects one of the pews inside the Minor Basilica of the Black Nazarene or Quiapo Church in Manila.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Ang “local communities” ang magpapasya kung bubuksan ang mga simbahan para sa mga misa ngayong Semana Santa.

Ito ang nilinaw ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kasunod ng inilabas niyang pastoral instruction sa Archdiocese of Manila ngayong Miyerkules, March 24.

Nakasaad sa pastoral instruction, na pirmado ni Pabillo, pinahihintulutan ang pagdaraos ng mga misa sa simbahan hanggang sa 10 percent ng capacity nito.

Ganito ang naging direktiba ni Pabillo kahit pa mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering, kabilang ang religious activities, sa ipinatutupad na dalawang-linggong pinaigting na General Community Quarantine (GCQ) sa NCR Plus Bubble.

Binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, ang NCR Plus ay bantay-sarado ngayon laban sa non-essential travels sa layuning mapigilan ang patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

Ito ay batay sa Resolution No. 104 ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na isinapubliko nitong Linggo, March 21.

Continue reading below ↓

THE “PRINCIPLE OF SUBSIDIARITY”

Sa interview ng ABS-CBN TeleRadyo kay Pabillo ngayong Miyerkules, ipinaliwanag ng obispo na ang konsepto ng “local communities” ay nakabatay sa “principle of subsidiarity.”

Katwiran ni Pabillo, “Ibig sabihin na ang makakapagdesisyon sa ground ay mga local communities.

“Kaya sinabi namin sa pastoral letter na maaaring magkaroon ng [misa] up to a maximum of 10 percent, pero ang mga local communities—ibig sabihin ang mga pari kasama ang kanyang mga pastoral leaders—sila magdedesisyon kung magbubukas ba sila or hindi.

“Kasi iba-iba ang sitwasyon, di ba?” anang obispo.

Saklaw ng Archdiocese of Manila ang mga siyudad ng Maynila, Pasay, Makati, Mandaluyong, at San Juan.

PABILLO INSISTS ON “RIGHT TO WORSHIP”

Sa isang bahagi ng pastoral instruction na naninindigan sa “right to worship,” binigyang-diin ni Pabillo na hindi maituturing na mass gathering ang pag-okupa sa 10 percent physical capacity ng simbahan.

“We have the experience of one year of having our health protocols in place in our churches, and as is experienced by those who come to church, these are well observed,” saad sa pastoral instruction.

Continue reading below ↓

Bukod dito, sa interview ay binigyang-diin ni Pabillo na “mga siyam na beses naming idiniin ang online participation, so ine-encourage namin ang tao mag-online pero at the same time, may pagkakataon yung mga tao na gustong lumapit at okay naman silang makalapit ng simbahan.”

DEFY IATF RULES OR BE CLOSED

Sa naunang pastoral letter na inilabas ni Pabillo nitong Martes, March 23, iginiit niya ang pagkakaroon ng mga religious services sa mga simbahang saklaw ng Archdiocese of Manila simula ngayong Miyerkules, pero limitado lang ito sa 10% capacity ng simbahan.

Inanunsiyo naman ng obispo na “no religious activity outside of our churches such as Senakulo (passion play), Pabasa (chanting or singing of the Passion of Christ), processions, motorcades, and Visita Iglesia.”

Kasunod ng pahayag na ito ni Pabillo, nanawagan si Presidential Spokesman Harry Roque sa obispo “[to] not encourage noncompliance po with this IATF decision.”

Kung patuloy raw na susuwayin ni Pabillo ang direktiba ng IATF, sinabi ni Roque: “We can order the churches closed.”

Continue reading below ↓

WHY PROHIBIT MASSES DURING HOLY WEEK?

Paliwanag ni Roque, kung bubuksan ang mga simbahan sa Holy Week, hihikayatin lang nito ang mga mananampalatayang lumabas ng bahay para magsimba.

Sa hiwalay na panayam ng TeleRadyo kay Roque ngayong Miyerkules, ipinaliwanag ng tagapagsalita ng Malacañang kung bakit hindi uubrang payagan kahit ang 10% capacity sa mga simbahan.

Ito ay kahit na ikinonsidera rin daw ng IATF noong una ang pagpapanatiling bukas sa mga simbahan.

“Naging conclusion ng IATF, kung ia-allow mo yung 10 percent, mas maraming magkukumpulan sa labas [ng simbahan] na nag-aantay ng susunod na misa dahil nga napakakaunti ng 10 percent,” katwiran ni Roque.

“Kapag 10 percent ka nga sa loob pero sa labas naman kumpul-kumpulan sila, e, di pareho rin ang suma-total.”

Kumpiyansa naman si Roque na mauunawaan ng publiko ang mahigpit na pagbabawal ng gobyerno sa mass gathering sa mga simbahan, na nataon pa sa panahon ng Semana Santa.

Continue reading below ↓

“Alam naman po natin na with 8,000 cases a day, siguro maintindihan ng tao naman. Kung normal na pagkakataon, siguro pwede pa nating i-allow yung 10 percent,” sabi ni Roque.

Nitong Lunes, March 22, sumampa na sa mahigit 8,000 bagong nahawa ng virus ang naitala sa bansa sa loob lang ng isang araw.

Ngayong araw, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,666 bagong nagpositibo sa COVID-19.

Mayroon na ngayong 684,311 total confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, 91,754 ang kasalukuyang ginagamot, habang 13,039 na ang namatay.

DOH Bulletin: COVID-19 cases as of March 24, 2021

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A worker disinfects one of the pews inside the Minor Basilica of the Black Nazarene or Quiapo Church in Manila.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results