Buses replace MRT trains during Holy Week maintenance shutdown

by Jet Hitosis
Mar 25, 2021
MRT maintenance shutdown Holy Week 2021
The Metro Rail Transit (MRT)-3 will temporarily suspend its operations from March 30, 2021 to April 4, 2021 to give way to its annual maintenance and rehabilitation activities. Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 and the Philippine National Railways will also be unavailable for use next week.
PHOTO/S: DOTr-MRT-3 on Facebook

May masasakyan pa rin ang mga biyaheng EDSA ngayong Holy Week kahit anim na araw hindi bibiyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3.

Ito ay dahil magpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng EDSA Bus Carousel Augmentation Program para mayroon pa ring masasakyan ang essential workers at iba pang frontliners sa panahon ng Semana Santa.

Una nang inihayag ng pamunuan ng MRT-3 na hindi bibiyahe ang mga tren nito simula sa Martes Santo, March 30, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, April 4, para sa taunang maintenance at rehabilitation activities ng pangunahing mass transit sa Metro Manila.

Kaugnay nito, inanunsiyo ni MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati na magde-deploy ito ng mga pampublikong bus na bibiyahe sa ruta ng MRT-3 para may masakyan pa rin ang mga pasahero.

Ang MRT ay bumibiyahe mula sa North Avenue Station sa Quezon City hanggang sa Taft Avenue Station sa Pasay City.

Continue reading below ↓

Ayon kay Capati, ide-deploy ang mga bus simula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi sa anim na araw na tigil-operasyon ang MRT, o simula March 30 hanggang April 4.

Balik-normal naman ang biyahe ng MRT pagsapit ng Lunes, April 5.

LRT, PNR HALTING OPERATIONS, TOO

Gaya ng MRT, magpapatupad din ng taunang tigil-operasyon ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, maging ang Philippine National Railways (PNR).

Continue reading below ↓

Walang biyahe ang mga tren ng LRT-Line 1 at LRT-Line 2 simula sa Miyerkules Santo, March 31, hanggang sa Easter Sunday, April 4.

Gaya ng MRT, sa April 5 din magbabalik-operasyon ang mga ito.

Samantala, Huwebes Santo, April 1, magsususpinde ng biyahe ang PNR, maliban sa rutang Calamba, Laguna hanggang Tutuban sa Maynila.

Pero suspendido na ang lahat ng biyahe ng PNR sa Biyernes Santo, April 2, hanggang sa Sabado de Gloria, April 3.

Pagsapit ng Easter Sunday, bibiyahe nang muli ang PNR pero limitado lang ito sa mga sumusunod na ruta:

  • Tutuban-Alabang at vice versa
  • Tutuban-Calamba at vice versa
  • Tutuban-Gov. Pascual at vice versa
  • Gov. Pascual-Bicutan at vice versa;
  • at Naga-Sipocot at vice versa

Kasabay ng MRT, LRT-Line 1, at LRT-Line 2, magbabalik sa normal ang operasyon ng PNR sa April 5.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Metro Rail Transit (MRT)-3 will temporarily suspend its operations from March 30, 2021 to April 4, 2021 to give way to its annual maintenance and rehabilitation activities. Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 and the Philippine National Railways will also be unavailable for use next week.
PHOTO/S: DOTr-MRT-3 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results