P300 million cash aid for workers still unclaimed—DOLE

by Jet Hitosis
Mar 26, 2021
COVID-19-displaced workers
Displaced workers who applied for financial assistance from the Department of Labor and Employment (DOLE) are urged to coordinate with the agency's field offices or their nearest remittance centers to follow-up on their cash aid.
PHOTO/S: unsplash.com

Aabot sa PHP300 million cash aid para sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya ang hindi pa nakukubra.

Ito ang kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang press briefing ngayong Biyernes, March 26.

Ayon kay Rolly Francia, tagapagsalita ng DOLE, ang nabanggit na halaga ay nakalaan sa 45,000 manggagawang nawalan ng trabaho simula pa noong nakaraang taon.

Ang ayudang pinansiyal ay nakapaloob sa mga programa ng DOLE na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ayon kay Francia.

Sa CAMP, tatanggap ng one-time cash assistance na PHP5,000 ang empleyado ng pribadong sektor na na-lay off sa trabaho dahil sa pandemya.

Sa AKAP, PHP10,000 financial assistance naman ang tatanggapin ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng hanapbuhay.

Samantala, ang TUPAD ay nagbibigay ng dalawang-linggong emergency employment sa mga informal sector workers.

Ang tatanggaping suweldo ay depende sa umiiral na minimum wage sa rehiyong kinaroroonan ng TUPAD beneficiary.

Continue reading below ↓

Ngayong Biyernes, nanawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga nangangasiwa sa nabanggit na DOLE programs na kalampagin ang mga remittance center sa dahilan kung bakit na-delay ang pagkakaloob ng cash aid sa mga manggagawa.

Hinihimok ang mga CAMP, AKAP, at TUPAD beneficiaries na makipag-ugnayan sa DOLE field office o sa remittance center sa kanilang lugar para i-follow-up ang kanilang ayudang pinansiyal.

Maaari ring alamin ang status ng inyong cash assistance application online:

CAMP - https://reports.dole.gov.ph/track_application

AKAP - https://doleakaptracker.owwa.gov.ph/

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Displaced workers who applied for financial assistance from the Department of Labor and Employment (DOLE) are urged to coordinate with the agency's field offices or their nearest remittance centers to follow-up on their cash aid.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results