Government permits once-a-day religious gathering this Holy Week; new infections hit 9,838

by Jet Hitosis
Mar 26, 2021
Religious gathering permitted Lent 2021
The government has allowed once-a-day religious gatherings of up to 10 percent venue capacity in churches for the coming Holy Week, or from April 1 to April 4, 2021.
PHOTO/S: Shutterstock

Halos 10,000 ang bagong nahawahan ng COVID-19 ngayong Biyernes, March 26.

Sa latest data ng Department of Health (DOH), mayroong 9,838 new infections na naitala ngayong Biyernes lamang.

Kasalukuyang ginagamot sa COVID-19 ang 109,018 katao.

Sumampa na sa 702,856 ang total confirmed cases sa Pilipinas, kung saan 13,149 sa mga ito ang namatay.

DOH Case Bulletin: COVID-19 cases as of March 26, 2021

Continue reading below ↓

GOV’T OKAYS RELIGIOUS GATHERINGS

Naitala ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 kasunod ng pagpayag ng gobyernong magsagawa ng religious gatherings sa loob ng mga simbahan sa National Capital Region (NCR) at sa mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal, o NCR Plus.

Papayagan ang religious gatherings sa Huwebes Santo, April 1, hanggang sa Easter Sunday, April 4.

Gayunman, isang beses lang sa isang araw gagawin ang pagtitipon at lilimitahan ito sa 10 percent ng venue capacity.

Si Presidential Spokesperson Harry Roque ang nag-anunsiyo ngayong Biyernes sa desisyong ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Pinayagan po ng inyong IATF ang once-a-day religious gatherings mula a-uno hanggang a-kuwatro ng Abril,” sinabi ni Roque sa Malacañang press briefing.

Dagdag niya, “Kinakailangang sundin ang maximum indoor capacity na 10 porsiyento sa lahat ng oras.”

Mahigpit namang ipinagbabawal ang anumang pagtitipun-tipon sa labas ng mga simbahan.

Dahil dito, hindi papayagan ang mga audiovisual feeds sa labas ng simbahan sa buong panahong nagsasagawa ng religious activities.

Continue reading below ↓

“Strictly limited” din ang live na pag-awit habang nagmimisa, at hinihikayat na “recorded” na lang ang pagkanta.

Sa huli, hinihimok pa rin ang lahat na manatili sa bahay at makibahagi na lang sa religious activities sa iba’t ibang online platforms.

“Hindi lang po ito para sa Simbahang Katoliko, lahat po ng pananampalataya. Kasama na rin po ang ating kapatid na Muslim, mga Shinto, pupuwede pong once-a-day, 10% capacity, April 1 to April 4,” paglilinaw ni Roque.

IATF HEEDS CBCP’S APPEAL

Binawi ng IATF ang nauna nitong pagbabawal sa mass gathering sa NCR Plus, kasama na ang sa loob ng mga simbahan, dahil sa tuluy-tuloy na pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang umapela si Father Genaro Diwa, Executive Secretary ng Episcopal Commission on Liturgy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa IATF na ikonsidera ang pasya nito.

Katwiran ng CBCP, sa ganitong panahon ng matinding krisis, higit na kinakapitan ng mga Pilipino ang kanilang pananampalataya.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The government has allowed once-a-day religious gatherings of up to 10 percent venue capacity in churches for the coming Holy Week, or from April 1 to April 4, 2021.
PHOTO/S: Shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results