DBM: P1,000-per-person ayuda for ECQ areas to be distributed first week of April

by Jet Hitosis
Mar 30, 2021
President Rodrigo Duterte ECQ ayuda 2021
President Rodrigo Duterte (left) on Monday, March 29, approves the distribution of one-time P1,000-per-person ayuda for low-income families in the NCR Plus following the reimposition of one-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) in the area.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, Jerome Ascano

Ipamamahagi sa susunod na linggo ang PHP1,000 kada indibiduwal na halaga ng ayuda para sa mga apektado ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

Inaprubahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, March 29.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, ang nabanggit na halaga ng ayuda ay maaaring ibigay ng cash o in kind (food packs) sa low-income families sa nabanggit na mga lugar.

“Dun sa Memorandum na tinanggap namin [DBM] kaugnay ng pagkaka-approve ng ating Pangulo dun sa ayuda ay maliwanag na ang budget po doon ay PHP1,000 per person or not more than PHP4,000 in case of family,” sinabi ni Avisado nang makapanayam sa ABS-CBN TeleRadyo ngayong Martes ng umaga, March 30.

IT CAN BE IN CASH OR IN KIND

Aniya, ang local government units (LGUs) ang magpapasya kung sa anong paraan ibibigay ang ayuda.

Continue reading below ↓

“Dahil isang linggong paghahanda ang kailangang gawin maibigay lahat ang ayuda, it really would depend now on the local government unit kung ika-cash nila, para mas madali, o kung bibili pa sila ng mga pagkain at ire-repack nila,” paliwanag ni Avisado.

Pag-uusapan daw ng mga alkalde ang tungkol dito.

“Kung sa pagpupulong ng mga lokal na pamahalaan, e, mas madali sa kanila yung cash, maaaring gawin nilang cash. Kung hindi naman, bibili naman sila ng in kind,” dagdag niya.

IDEAL DISTRIBUTION: “BAHAY-BAHAY”

Sinabi ng DBM Chief na LGUs na rin ang magdedesisyon kung paano ang sistema ng pamamahagi ng ayuda, cash man ito o in-kind.

“Pupuwede nilang i-distribute bahay-bahay po, e. Kahit po in-kind puwede rin nilang i-distribute bahay-bahay.

“Ganun po dapat talaga para maiwasan ang pakumpul-kumpol at pagsama-sama ng mga tao,” anang opisyal.

Ayon kay Avisado, ang pondong gagamitin sa panibagong ayudang ipapamahagi sa mga apektado ng pagbabalik-ECQ ay manggagaling sa naitabing gastusin mula sa Bayanihan Law 2, ang ikalawang pandemic stimulus package ng gobyerno.

Continue reading below ↓

Ang kabuuang halaga ng pondong gagastusin para sa panibagong ayuda ay nagkakahalaga ng PHP23 bilyon.

Sinabi ni Avisado na tinatalakay na rin ng DBM ang pagkukuhanan ng dagdag-pondo sakaling palawigin pa ang ECQ sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong April.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte (left) on Monday, March 29, approves the distribution of one-time P1,000-per-person ayuda for low-income families in the NCR Plus following the reimposition of one-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) in the area.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results