Got a COVID-19 emergency? Call One Hospital Command, LGU hotlines

by Jet Hitosis
Apr 6, 2021
COVID-19 emergency hotlines
Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire (not in photo) to suspected COVID-19 patients: “Keep on calling One Hospital Command. Kaya tayo may One Hospital Command, nasa kanila yung talaan kung saan may available [hospital] beds at dinidirekta nila yung traffic ng pasyente."
PHOTO/S: unsplash.com

Masama ang pakiramdam? Nilalagnat? Hirap huminga?

Kabado ka ba’ng baka COVID-19 na iyan?

Hindi inirerekomendang dumiretso ka sa ospital.

Malaki ang posibilidad na tanggihan ka roon; totoo kasing punuan na ang maraming ospital sa Metro Manila dahil sa dami ng ginagamot ngayon sa COVID-19.

Sa latest data ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, April 5, pumalo na sa 143,726 ang kabuuang bilang ng mga ginagamot sa COVID-19 sa bansa.

Nasa 803,398 ang total confirmed cases.

Nasa 13,435 dito ang namatay.

DOH Case Bulletin: COVID-19 cases as of April 5

Continue reading below ↓

Para sa anumang COVID-19 emergency, payo ng DOH sa publiko na tawagan ang mga COVID-19 hotlines para mabigyan ng instructions tungkol sa mga susunod na dapat gawin.

Narito ang pangunahing COVID-19 hotlines ng national government:

DOH:

1555, 894-COVID (894-26843)

DOH Metro Manila Center for Health Development:

8531-0037, locals 201 or 119

One Hospital Command Center:

886-50500, 0915-7777777, 0919-9773333

THE ONE HOSPITAL COMMAND

Ang One Hospital Command Center ang in-charge sa health facility referral sa Metro Manila.

“Kaya tayo may One Hospital Command, nasa kanila yung talaan kung saan may available [hospital] beds at dinidirekta nila yung traffic ng pasyente,” sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online forum nitong Lunes ng umaga.

“People just need to call the One Hospital Command. Just keep on calling. They can be able to give you... kung saan po sila dapat pupunta sa mga kailangang kama sa ospital,” dagdag ni Vergeire.

Bukod sa contact numbers na nabanggit sa itaas, maaari ring makipag-ugnayan sa One Hospital Command sa pamamagitan ng Pure Force Citizens application, na mada-download nang libre sa Google Play at Apple Store.

Continue reading below ↓

METRO MANILA LGUS’ HOTLINES

Bukod dito, mayroon ding kani-kaniyang COVID-19 hotlines ang lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila:

Caloocan City – 0947-8834430, 0953-1265127

Las Piñas City – 0949-6246824, 0977-6726211

Makati City – 168, 8870-1440 to 1444

Malabon City – 0942-3729891

Mandaluyong City – 0963-1646410, 0956-1502808

City of Manila – 8926-2385, 8927-5174, 0961-0627013, 0995-4966176

Marikina City – 162, 0945-5176926

Muntinlupa City – 8925-4351, 0977-2405218, 0929-8587689

Navotas City – 8281-1111

Parañaque City – 8820-7783, 0961-0966249, 0956-3940176

Pasay City – 0956-7786254, 0908-9937024

Pasig City – 0961-5825019, 0961-5825020

Pateros – 8642-5159, 0917-1724447, 0995-1300075

Quezon City – 122

San Juan City – 135-137, 7949-8358, 0926-6174377, 0926-6174363

Taguig City – 8789-3200, 0966-4194510

Valenzuela City – 137-160

Metro Manila Emergency COVID Hotlines

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire (not in photo) to suspected COVID-19 patients: “Keep on calling One Hospital Command. Kaya tayo may One Hospital Command, nasa kanila yung talaan kung saan may available [hospital] beds at dinidirekta nila yung traffic ng pasyente."
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results