MECQ Guidelines 101: What you need to know

Apr 13, 2021
Restrictions ease down a bit now that modified enhanced community quarantine or MECQ is being implemented from April 12 to April 30, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascano (via www.reportr.world)

Mula enhanced community quarantine (ECQ), inilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at iba pang lugar mula April 12 hanggang sa katapusan ng buwan.

Bukod sa Metro Manila, kasama rin dito ang Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, pati na rin ang Abra, Quirino, at Santiago City, Isabela.

Mas maluwag nang kaunti ang restrictions sa MECQ kumpara sa ECQ.

Narito ang ilang guidelines na inilabas ng Malacañang na kailangang tandaan:

Curfew

Sa Metro Manila, ang curfew ngayong MECQ ay mula 8:00 p.m. hanggang 5:00 a.m.

Sa Cavite naman, ito ay mula 10:00 p.m. hanggang 4:30 a.m.

Age-based restrictions and movement

Sa ilalim ng MECQ, hindi pinapalabas ng bahay ang mga taong ang edad ay below 18 years old, lampas 65 years old, may comorbidities, at mga buntis.

Pero prerogative ng local government unit na ibaba ang minimum age-bases restriction sa 15 anyos, depende sa COVID-19 situation sa kanilang lugar.

Continue reading below ↓

Istriktong home quarantine pa rin ang ipinatutupad. Ibig sabihin, pinapanatili pa rin sa bahay ang mga tao ngayong MECQ.

Gayunpaman, pinapayagang lumabas ng bahay ang authorized persons outside of residence (APORs) para sa trabaho at pagbili ng essential goods.

TRAVEL AND MASS GATHERINGS

Bagamat operational ang public transportation, under limited capacity lamang ito para sa mga APORs ngayong MECQ.

Ang gatherings para sa necrological services, wakes, and funeral para sa mga non-COVID-19 deaths ay pinapayagan para lamang sa immediate family.

Ang pagbisita naman sa sementeryo at memorial parks ay limitado lamang hanggang sa 10 katao kada grupo at hindi dapat lalampas sa 30% ng venue capacity ang masa.

Kung confirmed o probable COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay ng isang pasyente, ang adult family members lamang ng namatay ang pinapayagang dumalo sa funeral.

Ang religious gatherings naman gaya ng mga misa ay pinapayagan hanggang 10% capacity. Maaaring payagan ito hanggang 30% depende sa approval ng LGU.

Continue reading below ↓

Ipinagbabawal naman ang non-religious gatherings ngayong MECQ.

EXERCISE

Ang individual outdoor exercise gaya ng jogging, running, at biking ay pinapayagan sa general area of residence habang nakasuot ng face mask.

FOOD AND DINING

Pinapayagan ang outdoor dining pero mahigpit pa ring ipinagbabawal ang dine-in.

Allowed naman ang take-out at deliveries ngayong MECQ.

Business operations

Ang mga business industries na pinayagan ng skeleton o reduced workforce noong ECQ ay pinapayagan nang mag-expand ang operation ngayong MECQ.

Narito ang listahan ng mga establisimyentong pinapayagang magbukas na may 50% capacity:

  • Dental, optometry, rehabilitation, and other medical clinics
  • Veterinary clinics
  • Banks and money transfer services
  • Capital markets
  • Water supply and janitorial or sanitation services
  • Energy sector
  • Telecommunication companies
  • Airline and aircraft maintenance, Shipyard operations
  • Funeral and embalming services
  • Security personnel
  • Printing establishmnets
  • Repair and maintenance of machinery and equipment
  • Leasing of real and personal properties
  • Recruitment and employment activities
  • Lawyers

Ito naman ang industries na hindi pa pinapayagang magbukas:

Continue reading below ↓
  • Indoor dine-in services
  • Personal care services such as barbershops and salons
  • Venues for meetings, incentives, conferences, and exhibition
  • Cinemas, theaters, karaoke bars and other entertainment venues with live performers
  • Internet cafes and other recreational venues
  • Kids' amusement and playrooms
  • Outdoor sports courts or venues for contact sports
  • Gyms, fitness studios, and sports facilities
  • Casinos, cockpits, betting shops
  • Tourist attractions

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Restrictions ease down a bit now that modified enhanced community quarantine or MECQ is being implemented from April 12 to April 30, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascano (via www.reportr.world)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results