Quezon City opens drive-thru COVID-19 vaccination site

May 20, 2021
Quezon City recently launched its first COVID-19 drive thru vaccination site.
PHOTO/S: Jerome Ascaño (via www.reportr.world)

Inilunsad ng Quezon City government ang drive-thru vaccination nitong Martes, May 18, bilang pagpapalawig ng vaccination campaign nito.

Nakipagtulungan ang QC local government unit sa SM City Malls para sa pagbubukas ng unang drive-thru vaccination site nito sa SM Fairview.

Ani QC Mayor Joy Belmonte, “This is another product of our strong partnership with the private sector. This site will be convenient for those who register in groups like a family who just have to drive-thru this site while in the comfort of their cars.”

Dadaan sa tamang proseso ang mga residenteng magpapabakuna—site registration, screening, vaccination at post vaccination evaluation.

Ang mga pasyente ay magpa-park sa designated slots sa parking area ng mall.

Tumatagal ng 10 hanggang 15 minuto ang buong proseso ng pagpapabakuna.

Samantala, ang mga ia-accommodate ay ang mga residenteng nakapagpa-pre-register sa pamamagitan ng barangay-assisted booking scheme.

Sa mga residenteng malapit sa vaccination site, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang respective barangay o kaya naman ay sa EZConsult website para ma-assist ang booking schedule sa SM Fairview drive-thru.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, ang Quezon City ay my 35 vaccination sites.

Noong Martes din ay nagsagawa na ng drive-thru COVID-19 vaccination sa isang tulay sa Montalban, Rizal.

Noong May 7 naman ay sinimulan na rin ng Makati ang drive-thru vaccination campaign nito sa pakikipagtulungan sa Ayala Malls Circuit.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City recently launched its first COVID-19 drive thru vaccination site.
PHOTO/S: Jerome Ascaño (via www.reportr.world)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results