Philippine Red Cross clarifies it will not be selling Moderna vaccines

May 21, 2021
Philippine Red Cross Governor Maria Carissa Coscolluela says that they will not sell Moderna vaccines as PRC “is not in the business of selling any vaccines."
PHOTO/S: Philippine Red Cross/shutterstock

Hindi magbebenta ang Philippine Red Cross (PRC) ng na-procure nitong Moderna COVID-19 vaccines.

Paglilinaw ni PRC governor Maria Carissa Coscolluela sa isang statement, ang PRC “is not in the business of selling any vaccines."

Ang mga na-procure daw nilang Moderna vaccines ay para sa kanilang members at donors.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni PRC Chair at Senator Richard Gordon.

Sabi ng senador, inaasahan nila sa susunod na buwan ang pagdating ng 200,000 doses ng Moderna vaccine mula sa U.S. pharmaceutical giant.

Sa interview ni Senator Gordon sa ANC noong Lunes, May 17, sinabi niyang mahuhuli sila kung hihintayin nila ang na-procure na vaccines ng pamahalaan.

"Those of you who cannot wait, you pay P3,500 and that's 2 doses already," sabi pa ni Gordon sa interview.

Nagdulot ng kalituhan ang sinabing ito ni Gordon at inakala ng publiko na makakabili ng Moderna vaccine sa PRC.

Nilinaw ni Coscolluela na hindi tuwirang binanggit ng senador na magbebenta ng vaccine ang PRC.

Continue reading below ↓

Ang binigyang-diin daw ni Gordon ay kailangang kumilos agad para maraming Pilipino ang mabakunahan na.

"What he said was that the PRC procured Moderna COVID-19 vaccines and intends to vaccinate Red Cross members and donors, who are also our members, who are willing to bear the cost of the vaccines, which was US$26.83 per dose.

"The PRC is a humanitarian organization and is not in the business of selling any vaccines. It does not charge for anything that it got free," ani Coscolluela.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine Red Cross Governor Maria Carissa Coscolluela says that they will not sell Moderna vaccines as PRC “is not in the business of selling any vaccines."
PHOTO/S: Philippine Red Cross/shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results