Philippines to allow Pfizer COVID-19 vaccine for 12 to 15 years old

May 27, 2021
Experts in the country were said to find the Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine favorable to kids aged 12-15 years old.
PHOTO/S: shutterstock

Aasahang papayagan ng gobyerno ang pagbakuna sa mga batang edad 12 hanggang 15 ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.

Ang rekomendasyon ay galing mismo kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, sa pakikipagpulong niya kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi umano ng mga eksperto sa bansa, "favorable"ang pagggamit ng Pfizer vaccine sa 12-15 age group.

"Early this evening, I already got the recommendations of our experts and it's very favorable," pahayag ng FDA director general sa isang taped meeting kasama ang Cabinet officials.

Inaasahang ilalabas ang ammended recommendation sa paggamit ng emergency use authorization (EUA) sa loob ng linggong ito.

Sa kasalukuyan, ang Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine ay pinapayagan lamang sa mga may edad 16-anyos pataas.

“Within the week po we will be issuing an amendment to the emergency use authorization of Pfizer, and we will be able to use it in children, 12 to 15 years old,” ani Domingo.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng FDA official, nag-apply ng EUA amendment noon lamang May 20 at “favorable” nga raw ito para sa FDA experts.

“Yung atin pong mga experts ay in-evaluate.

“In fact, early this evening, I already got the recommendations of our experts and very favorable,” anang FDA chief.

Nakuha ng Pfizer vaccine ang EUA sa Pilipinas noong January.

Ang Pfizer vaccine ay nakapagtala ng 95 percent efficacy sa study population at tinatayang 92 percent naman sa lahat ng racial groups.

Early this month din nang dumating sa Pilipinas ang inisyal na higit 193,000 doses ng Pfizer-BioNTech na donasyon mula sa global COVAX facility.

Sa second quarter ng taon, inaasahan ang pagdating ng bulk shipment ng nasabing vaccine brand na tinatayang 2.2 million doses.

Ang Pfizer-BioNTech ay ang ikaapat na vaccine brand na available sa Pilipinas. Ang tatlo pa ay ang Sinovac, Gamaleya, at AstraZeneca.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Experts in the country were said to find the Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine favorable to kids aged 12-15 years old.
PHOTO/S: shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results