Ang init! Heto ang mga lugar na nagtala ng mataas na heat index

by Emmy Burce
May 31, 2021
Congrats sa mga Pinoy dahil nalalapit na ang pagtatapos ng sizzling hot summer season sa taong ito.
PHOTO/S: MD Duran on Unsplash

Bagamat nagsimula nang magkaroon ng panaka-nakang ulan, napakainit pa rin sa Pilipinas.

Mataas pa rin ang heat index, ayon sa tatlong monitoring stations ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration).

Sa unang linggo ng June, may mga lugar—kasama rito ang PAG-ASA Science Garden sa Quezon City; Calapan, Mindoro; Sangley Point, Cavite; Dagupan City, Pangasinan—na ang tinatayang maximum heat index ay lampas 40 degrees Celsius.

Para mas maintindihan ang salitang heat index, ang depinisyon ng PAG-ASA rito ay: "human discomfort index that gives the 'apparent' temperature or what humans perceive or feel as the temperature affecting their body."

LUGAR NA MAY MATAAS NA HEAT INDEX

Kahapon, May 30, 2021, ang may highest heat index ay sa bandang Ninoy Aquino International Airport area sa Pasay City. Umabot ito sa 45 degrees Celsius at 11 a.m.

Sa PAG-ASA Science Garden Complex sa Quezon City, umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index at 3 p.m.

Continue reading below ↓

Pero pinakamataas ang heat index—46 degrees Celsius—sa Aparri, Cagayan at 2 p.m.

Sa Tuguegarao, na mahigit isang oras ang layo ng land travel mula sa Aparri, ay nagrehistro rin ng 45 degrees Celsius sa parehong oras.

Nasa 45 degrees Celsius din ang heat index sa Sangley Point, Cavite at 11 a.m.

Umabot naman sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Cubi Point, Subic Bay, Olongapo, at 2 p.m.; Iba, Zambales at 11 a.m.; Masbate City, at 12 n.n.

Sa buwan ng Mayo, ang pinakamataas ng narehistrong heat index ay sa Dagupan City. Umabot ito sa 53 degrees Celsius noong May 14 at 5 p.m.

Mababa ito nang bahagya sa naitalang highest heat index—55 degrees Celsius—noong April 25, 2020, at 2 p.m., sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ngayong linggo, ayon sa weekly forecast ng PAG-ASA, aabot sa 43 degrees Celsius ang maximum heat index sa Baler, Aurora sa June 4, habang nasa 42.1 naman ang maximum heat index sa Alabat, Quezon sa kaparehong araw, gayundin sa Calapan, Mindoro sa June 3.

Continue reading below ↓

EPEKTO NG MATAAS NA HEAT INDEX SA KATAWAN

Base sa impormasyong nakasaad sa website ng PAG-ASA, ang heat index na mula 41 hanggang 54 degrees Celsius ay posibleng magdulot ng “danger heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.”

Kapag lumampas pa rito ang heat index, “heat stroke is imminent.”

In the coming days, kung maging maalinsangan ulit ang panahon, heto ang mga dapat tandaan:

1. Iwasang lumabas ng bahay lalo na kung matarik ang araw.

2. Magsuot ng lightweight at light-colored na damit.

3. Uminom ng maraming tubig.

4. Hinay-hinay sa pag-inom ng alak dahil, ayon sa mga health experts, may epekto ito sa kakayahan ng katawan na i-regulate ang temperature.

Konting tiis na lang since patapos na ang sizzling hot summer season sa taong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congrats sa mga Pinoy dahil nalalapit na ang pagtatapos ng sizzling hot summer season sa taong ito.
PHOTO/S: MD Duran on Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results