Report shows hospitalized COVID-19 patients in U.S. generally unvaccinated

Jun 14, 2021
A recent report by NBC News makes a case for the life-saving shot as it shows more number of unvaccinated Covid 19 patients in hospitals.
PHOTO/S: Jerome Ascano (via www.reportr.world)

Narito ang isa pang rason kung bakit dapat magpabakuna kontra COVID-19.

Sa isang recent report sa U.S., lumalabas na ang mga COVID-19 patients na nagiging kritikal sa mga ospital ay hindi bakunado.

Ganito ang naging kaso ng tatlong katao sa Sandra Atlas Bass Heart Hospital at North Shore University Hospital sa New York.

Malayung-malayo ito sa 600 COVID-19 patients sa parehong ospital noong kasagsagan ng pandemya, ulat ng nbcnews.com.

Ang pagkakapareho ng tatlong pasyenteng nasa intensive care unit: hindi sila bakunado kontra COVID-19. Ito ay ayon kay Dr. Hugh Cassiere, director of critical care services ng Sandra Atlas Bass Heart Hospital.

Ganito rin daw ang nagiging kaso ng iba't-ibang ospital sa U.S.

Ibig sabihin nito, mas malaki ang tsansa na ma-ospital at maging kritikal ang kondisyon ng isang COVID-19 patient kapag hindi ito vaccinated.

Pinatunayan ito ni Dr. Josh Denson na pulmonary medicine and critical care physician sa Tulane University Medical Center sa New Orleans.

Continue reading below ↓

Aniya, "I haven't had anyone that's been fully vaccinated become critically ill."

Kinatigan ito ni Dr. Ken Lyn-Kew, isang pulmonologist sa National Jewish Health sa Denver, Colorado.

“None of our ICU patients has been vaccinated,” ani Dr. Lyn-Kew.

Pero hindi lamang ang mga matatandang hindi bakunado ang nao-ospital dahil sa COVID-19.

Malaki rin ang tsansang lumubha ang sakit ng mga batang hindi vaccinated na na-ospital.

Ito ang ulat ni Dr. Natasha Burgert, ang national spokesperson for the American Academy of Pediatrics.

Ayon kay Dr. Burgert, an isa ring pediatrician sa Overland Park, Kansas, “In our local hospitals, the kids that are getting sick are the ones that are not vaccinated." .

Sa data tracker ng Centers for Disease Control and Prevention sa U.S., makikita na bumagsak na ang bilang ng mga nao-ospital dahil sa COVID-19.

Mula 125,000 patients noong Enero, naging 15,000 na lamang ito this week.

Deklara ni Dr. Denson, "The vaccines are working really well. It's just ridiculous not to get it."

Continue reading below ↓

IMPORTANCE OF GETTING FULLY VACCINATED

Matinding pinapaalalahanan rin ang mga tao na kumpletuhin ang kanilang pagpapabakuna.

Ito kasi ang naging isyu sa higit tatlumpung pasyente sa Vanderbilt University Medical Center sa Nashville, Tennessee.

Partially vaccinated kasi ang 32 pasyenteng ito, ani Dr. Todd Rice, director ng medical intensive care unit ng naturang ospital.

Ibig sabihin, natanggap ng mga pasyenteng ito ang first dose ng COVID-19 vaccine, pero hindi nabakunahan ng second dose.

Dahil dito, hindi nakumpleto ang pag-develop ng protective antibodies sa kanilang immune system.

Pero paglilinaw ni Dr. Rice, karamihan sa mga na-ospital dahil sa COVID-19 nitong mga nakalipas na buwan ay ang mga hindi nabakunahan.

May “extremely rare” cases daw kung saan mga fully vaccinated ang na-infect ng COVID-19. Tinatawag itong “breakthrough infections.”

Pero kung mahawa man raw sila ng virus, malayong kakailanganin pa silang bigyan ng emergency care, ayon sa isang study ng medrxiv.org.

Sa obserbasyon ni Dr. Rice, ang mga na-ospital raw na mga fully vaccinated ay ang mga pasyenteng may “compromised immune systems,” kaya’t iba ang response ng bakuna sa kanilang katawan.

Continue reading below ↓

Ang halimbawa ni Dr. Rice, "One of the ones we took care of had cancer, and another was on immunosuppressants for a rheumatologic disease.”

Ganito rin ang karanasan ni Dr. Lyn-Kew matapos magkaroon ng dalawang nagkasakit na pasyente na bakunado.

"It turns out they were all immunosuppressed," sabi ni Dr. Lyn-Kew.

Ang immunosuppressed ay ang tawag sa mga taong may mahinang immune system.

Ito ay maaaring dahilan ng pagkakaroon ng mga karamdamang kagaya ng cancer, AIDS, diabetes, malnutrition, at ilang namamanang sakit.

Samantala, sa Pilipinas, as of June 13, 2021, tinatayang higit sa limang milyong Pilipino na ang nababakunahan.

Pero halos dalawang milyon pa lamang ang fully vaccinated. Habang ang iba ay hinihintay pa ang kanilang second dose.

Tinatayang may 108 million katao ang populasyon sa pilipinas.

Nitong June 13, Linggo, may 7,302 new confirmed COVID-19 cases na naitala.

Ang total cases ay umabot na sa 1, 315, 639 habang ang total recoveries ay naitala sa 1,232,986.

Continue reading below ↓

Ang total deaths naman ay umabot na sa 22,788.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A recent report by NBC News makes a case for the life-saving shot as it shows more number of unvaccinated Covid 19 patients in hospitals.
PHOTO/S: Jerome Ascano (via www.reportr.world)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results