COVID-19 vaccination is the “only way” to stop new variants, says FDA

by Bernie V. Franco
Jun 24, 2021
Food and Drug Authority (FDA) Director General Dr. Eric Domingo on the importance of COVID-19 vaccination: "Kailangan talaga po namin ang bakuna para matigil ang paglipat-lipat at pagdami ng virus.”
PHOTO/S: Reportr (Jerome Ascaño)

Ang pagpapabakuna ng publiko kontra COVID-19 ang tanging paraan para masugpo ang pag-mutate ng virus.

Ito ang pahayag ni Food and Drug Authority (FDA) Director General Dr. Eric Domingo.

“Kailangan nga po talaga para bumaba talaga ang COVID cases, e, ma-vaccinate ang karamihan sa atin, para mag-stop ang transmission, at palipat-lipat sa ibang tao.

“Mahaharangan lang po ito pag karamihan sa atin ay nabakunahan.

“Para pag napasa sa atin yung virus, hindi na siya magmu-multiply at mapasa sa ibang tao.

“And it is also the only way to stop the variants from coming in.

“Kasi habang dumadami ang transmission, lumalaki ang chance na nagmu-mutate yung virus.

“So, kailangan talaga po namin ang bakuna para matigil ang paglipat-lipat at pagdami ng virus.”

Nagsalita si Domingo sa panayam sa DZMM TeleRadyo ngayong Huwebes, June 24, 2021.

COVID-19 VACCINES EFFECTIVE VS DELTA VARIANT

Tiniyak din ni Dr. Domingo na nananatiling mataas ang efficacy rates ng mga COVID-19 vaccines kontra sa Delta variant, ang latest mutation ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Dugtong pa ng FDA undersecretary, ang umiikot pang variant sa Pilipinas ay ang original COVID-19 pa.

“Bagamat nagkakaroon po ng konting mutation, hindi naman po nawawala completely yung bisa ng mga bakuna.

“Maaaring nababawasan lang nang konti pero meron pa rin po siyang protective effect kahit makapasok dito yung virus na bagong variant.

“May protection pa rin po lalo na sa severe diseases, lalo na yung pagkaka-ospital at pagkamatay. Makakaprotekta pa po.”

Sa kasalukuyan, may pag-aaral na isinagawa sa ibang bansa kaugnay ng bisa ng existing COVID-19 vaccines sa bagong variants.

“Yun po talagang nag-aral na sa Inglatera, ito pong sa Pfizer at AstraZeneca…

“Yung Pfizer, halimbawa po, from 94 percent bumababa siya to 89, so mataas pa rin naman po.

“Yung Astra, from parang 70 [percent] bumababa to 59 for all diseases for severe illness.

“Yun nga po, mahigit 90 percent pa rin naman yung kanyang protection.”

Tiniyak din niya na patuloy pa rin ang pag-aaral sa efficacy ng mga bakuna sa bagong variants.

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Dr. Domingo na bagamat bumaba rin ang efficacy rate ng Sinovac laban sa bagong variant ay “meron pa rin naman po, so useful pa rin naman ang mga bakuna na ito.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Food and Drug Authority (FDA) Director General Dr. Eric Domingo on the importance of COVID-19 vaccination: "Kailangan talaga po namin ang bakuna para matigil ang paglipat-lipat at pagdami ng virus.”
PHOTO/S: Reportr (Jerome Ascaño)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results