Phivolcs warns residents near Taal against volcanic smog; clarifies smog in Metro Manila is due to human activities

by Bernie V. Franco
Jun 29, 2021
Phivolcs warns areas near Taal Volcano about the volcanic smog in the air that poses health threats.
PHOTO/S: Philvocs

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tungkol sa pamumuo ng volcanic smog o vog sa mga kalapit-lugar ng Taal Volcano, partikular sa Taal Caldera region, nitong Lunes, June 28, 2021.

Ang vog ay binubuo ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions na pinangangambahang delikado sa kalusugan.

Kung magpapatuloy umano ang gas emission na magdudulot sa pamumuo ng vog, pinag-iingat ang mga residente sa karatig-lugar ng Taal Volcano.

Ang vog ay maaaring maging sanhi ng “irritation of the eyes, throat and respiratory tract in severities depending on the gas concentrations and durations of exposure.”

Lubos na pinag-iingat ang mga taong may karamdaman kagaya ng asthma, lung disease, heart disease; ang mga nakatatanda; mga buntis; at mga bata.

Pinapayuhan ang mga residenteng iwasan ang exposure sa vog. Manatili sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pinto.

Magsuot ng N95 mask at uminom ng maraming tubig para maiwasan ang throat irritation.

Continue reading below ↓

Kung kabilang kayo sa mga taong nabanggit sa taas, sumangguni sa doktor o barangay health unit lalo na kung may matinding nararamdaman.

Samantala, nag-update din ang Phivolcs ngayong umaga ng Martes, June 29, na ang malabong kapaligiran sa Metro Manila ay hindi galing sa Taal Volcano.

Paglilinaw ng Phivolcs: “Ang malabong kapaligiran o ‘haze’ na naranasan sa Metro Manila ay ‘smog’ o dulot ng polusyun galing sa 'human activities' at HINDI galing sa Taal Volcano."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phivolcs warns areas near Taal Volcano about the volcanic smog in the air that poses health threats.
PHOTO/S: Philvocs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results