Upgraded version ng SSS mobile app, padadaliin ang transactions

by KC Cordero
Jul 2, 2021
Mas user-friendly ang latest version ng SSS mobile app na inilunsad noong Hunyo 30, 2021.

Inilunsad ng Social Security System (SSS) noong Hunyo 30, 2021 ang SSS Mobile App version 4.0 nito na mas upgraded.

Kabilang sa features ng SSS Mobile App 4.0 ang bagong disenyo ng dashboard kung saan makikita ang “enrolled disbursement account” ng mga miyembro.

Bago nagkapandemya, mahirap ikontak ang hotline dahil parati itong busy.

Mahaba-haba rin ang pila kapag nagsadya ka sa mga tanggapan nito.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora C. Ignacio, mas pinadali ng app ang transaksiyon ng mga miyembro sa SSS.

"Our members and employers can use the SSS Mobile App for many SSS transactions.

"For instance, members can use the mobile app to update contact information details, such as their mailing address, email address, and mobile number, or view the status of contributions, loans, and benefit claims.

"They can also use it to file their salary loan application, generate the Payment Reference Number for contribution payment, pay their monthly contributions, submit their maternity notification, among others."

Continue reading below ↓

Puwede na ring ma-view rito ang enrolled bank information at status ng contribution and loan payments.

Useful din ito para ma-generate ang Personal Reference Number (PRN) ng contribution payments, at sa pagpa-file ng sickness and maternity reimbursement claims.

Mas pinaganda naman ang branch locator feature kung saan ang user ay makakahanap ng alinmang SSS branch, at ipi-pin ng mobile app ang exact location ng SSS branch gamit ang Google Maps for Android users at Petal Maps para sa Huawei smartphones users.

Naka-display rin sa locator map ang thumbnails ng address at contact details ng mga sangay ng ahensiya.

Para naman sa mga employers, magagamit ang SSS Mobile App para sa pag-a-update ng kanilang contact information (R8), gaya ng email address at contact numbers.

Unang inilunsad noong 2018, padadaliin ng SSS Mobile App ang pakikipagtransaksiyon ng mga miyembro sa ahensiya gamit lang ang kanilang smartphone at hindi na kailangan pang mag-antay pa sa mahahabang pila.

Continue reading below ↓

Kung na-download mo na dati ang app, dapat munang tanggalin ito ng users bago i-install ang version 4.0.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas user-friendly ang latest version ng SSS mobile app na inilunsad noong Hunyo 30, 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results