FitFlop footwear brand tuluyang nagpaalam sa Pilipinas

by KC Cordero
Jul 3, 2021
Inihinto na ng FitFlop Philippines ang operasyon nito noong June 30, 2021. Hindi na rin available ang produkto kahit sa online.
PHOTO/S: undefined
ILLUSTRATION: undefined

Nagsara na ang FitFlop Philippines.

Heto ang bahagi ng official announcement ng footwear brand sa Facebook page nito:

“Today, June 30, is the last day of operations for all FitFlop stores, both online and offline.

“We'd like to thank you for your support, and hope you continue to enjoy our products."

Halos lahat nang nag-comment sa post ay nagpahayag ng kalungkutan, lalo na ang mga Pinoy loyal customers na tinangkilik ang mga platform sandals at slippers nito sa loob ng 14 years.

Ang Primer Group of Companies ang nagdala nito sa Pilipinas.

Noong January 2019, isang taoon bago nag-pandemya, binuksan pa ng FitFlop ang 125-square-meter flagship store nito sa SM Mall of Asia.

Na-establish ng Canadian entrepreneur na si Marcia Kilgore ang FitFlop noong 2007, at naging popular ang mga produkto nito dahil sa MicroWobbleBoardTM midsole technology nito na ang functions, ayon sa official website, ay: "to absorb shock, diffuse high-pressure spots, and make your feet feel amazing"

Continue reading below ↓

Nakilala rin ito sa BIOMIMETIXTM midsole na "ergonomic, pressure-diffusing, sneaker-like layer of cush."

Noong May 16, 2008, isang taon matapos mailunsad ang footwear brand, mas sumikat ito sa publiko nang banggitin ni Oprah Winfrey sa kanyang television talk show na ito ang kanyang summer favorite.

Bukod kay Oprah, paborito rin ito ng ibang Hollywood celebrities, gaya nina Hilary Swank, Heidi Klum, Jennifer Garner, at Jessica Biel.

Nasa merkado ng 50 bansa, tinatayang nasa mahigit 22 milyong pares na ng FitFlop ang naibenta sa buong mundo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihinto na ng FitFlop Philippines ang operasyon nito noong June 30, 2021. Hindi na rin available ang produkto kahit sa online.
PHOTO/S: undefined
ILLUSTRATION: undefined
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results