National ID online registration glitches resolved; may satellite offices na rin sa malls

by KC Cordero
Jul 5, 2021
Sa pamamagitan ng PhilSys ID, a.k.a. national ID, ay mababawasan na ang mga kinakailangang valid ID sa mga transaksiyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.

Marami sa ating mga kababayan ang walang valid ID.

At lagi nilang problema ito sa tuwing may transaksiyon sa government offices, ospital, bangko o kahit sa pagpapadala at pagkuha ng money remittance.

May mga transaksiyon naman na kailangang kumpleto ang valid ID gaya ng pag-apply ng passport at driver’s license, pati na rin pagkuha ng Unified Multi-.Purpose ID (UMID) at Tax Identification Number (TIN). At kung wala ang mga ito, hindi ie-entertain ang transaksiyon.

Para masolusyunan ang mga ganitong problema, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 6, 2018 ang Republic Act No. 11055, o ang Philippine Identification System Act (PhilSys Act), “which mandates the government to create a single identification card for all citizens and resident aliens of the Philippines.”

Layunin ng nasabing batas na mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan at mabawasan ang mga kaso ng peke o palsipikadong transaksiyon.

Mababawasan na rin ang mga kinakailangang valid ID sa mga transaksiyon sa mga opisina ng pamahalaan at private sectors.

Continue reading below ↓

Nitong Abril 2021 ay binuksan na ng PSA ang registration ng PhilSys ID para sa lahat ng Pilipino at resident aliens.

Sa loob ng isang buwan, umabot sa isang milyon ang nagrehistro.

Ayon kay Imee Guevarra, isang customer care officer ng PhilSys ng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 5, 2021, naresolba na ang mga concern sa online registration gaya ng madalas na pagka-crash ng site at walang maibigay na registration office pagkatapos mag-fill up ng applicant ng mga personal na impormasyon.

“Sa ngayon po ay maayos na ang aming system, hindi na nagka-crash pag nag-register kayo online. Open na rin po ang registration center para sa biometrics sa mahigit 200 provinces, cities, and municipalities, maliban lang po sa Navotas City,” ani Guevarra.

Maging ang satellite offices sa Robinsons Corporation at SM Supermalls ay bukas na rin para maging mas convenient sa publiko ang pagpaparehistro.

Tiniyak naman niya na siguradong magagamit ang PhilSys ID sa mga transaksiyon gaya sa bangko nang hindi na kailangan pa ang ibang valid ID.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Guevarra, “May kasunduan po ang PhilSys, government agencies, at private companies. Once na mai-forward po ng mga ito ang kanilang system sa PhilSys, maipapasok na po ang mga registered PhilSys ID sa system kaya malalaman nila kung ang kanilang kliyente ay talagang rehistrado sa PhilSys at hindi na hahanapan pa ng ibang ID.

“Sa Landbank po ay puwede na ngayon. Pag nagbukas halimbawa kayo ngayon ng account at may PhilSys ID na kayo, hindi na kayo hahanapan pa ng ibang ID kasi nasa kanilang system na ang details ng inyong PhilSys ID.”

Gayunpaman, sinabi niyang may mga transaksiyon na kailangan pa rin talaga ang ibang valid ID.

“Halimbawa po ay sa pagta-travel, kailangan pa rin ang passport ng biyahero. O, kaya po ay kung nagmamaneho ng sasakyan, kailangan pa ring dala ng driver ang kanyang driver’s license. Hindi po nila puwedeng gamitin dito ang kanilang PhilSys ID,” ayon pa kay Guevarra.

Continue reading below ↓

Para makapag-register online, sundin lang ang mga sumusunod:

  1. I-click ang https://register.philsys.gov.ph/#/eng. Ilagay ang inyong mga personal na impormasyon gaya ng petsa at lugar ng kapanganakan, blood type, address, contact details, at iba pa. Magtakda ng appointment para sa petsa at kung saan kayo kukunan ng biometrics.
  2. Pumunta sa mismong petsa ng inyong appointment para ma-validate ang inyong supporting documents. Kukunan din kayo ng biometrics kabilang ang fingerprint scanning, iris scanning, at picture.
  3. Kapag nakumpleto na ang mga nasa itaas, hihintayin na lang ninyo na maipadala sa inyong preferred address ang inyong physical ID.

Dapat ninyong tandaan na ang PhilSys ID ay libre. Magbabayad lang kayo sa gobyerno kung kailangan niyo ng replacement.

Kung may fixer na lalapit at hihingi ng bayad para mapabilis ang inyong pagkakaroon ng PhilSys ID, tumawag para magsumbong sa PhilSys Registry Office hotline 1388 o mag-email sa info@philsys.gov.ph.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng PhilSys ID, a.k.a. national ID, ay mababawasan na ang mga kinakailangang valid ID sa mga transaksiyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results