Makalipas ang isang taon, ano ang naging epekto ng ABS-CBN shutdown?

by KC Cordero
Jul 9, 2021
Isang taon matapos i-reject ng House of Representatives ang prangkisa ng ABS-CBN, magdaraos ang National Union of Journalists of the Philippines ABS-CBN chapter ng online forum ngayong Hulyo 9, 2021 mula 6 p.m. hanggang 8 p.m., para talakayin ang epekto nito.

Ngayong Sabado, Hunyo 10, 2021, ang unang anibersaryo ng pagkitil ng House of Representatives sa prangkisa ng ABS-CBN.

Kaugnay nito ay magsasagawa ang National Union of Journalists of the Philippines ABS-CBN chapter ng online forum ngayong Biyernes, Hulyo 9, mula 6 p.m. hanggang 8 p.m., na naka-livestream sa Facebook pages na NUJP ABS-CBN 2021 at ABS-CBN News.

Hosts ng event ang ABS-CBN anchors na sina Alvin Elchico at Zen Hernandez.

Ang message sa forum na gagawin ng NUJP ABS-CBN chapter ay: “Rejected man ang prangkisa, di pa rin magpapatinag at patuloy pa ring aabante.”

Naririto ang tweet ng @NUJP_ABSCBN noong July 7, 2021 tungkol sa event:

“It's been a year since the House of Representatives denied our franchise renewal, but we continue pressing forward! This Friday, July 9, join us as we talk about how the denial affected livelihood, access to information, and the future of the media industry. #IbalikAngABSCBN"

Continue reading below ↓

Tatalakayin sa forum ang mga isyu kabilang ang naging epekto ng shutdown sa kabuhayan ng mga empleyado ng network, sa access to information, at hinaharap ng Philippine media, pati mga usaping legal.

Lalahukan ito ng iba't ibang organisasyon, gaya ng Free Legal Assistance Group (FLAG), mga mambabatas, mga kinatawan ng Defend Jobs Philippines, Bukluran ng mga Manggagawa, mga estudyante mula sa iba't ibang pamantasan at kolehiyo, at mga representative ng College Editors Guild of the Philippines.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
ABS-CBN, fyi
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang taon matapos i-reject ng House of Representatives ang prangkisa ng ABS-CBN, magdaraos ang National Union of Journalists of the Philippines ABS-CBN chapter ng online forum ngayong Hulyo 9, 2021 mula 6 p.m. hanggang 8 p.m., para talakayin ang epekto nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results