Hindi lang si Catriona Gray ang nagkaroon ng Venezuela-Valenzuela blooper

Agad nag-trending sa social media ang naging blooper ni 2018 Miss Universe Catriona Gray nang masambit niya ang Venezuela sa halip na Valenzuela.
PHOTO/S: Sany Chua

Hot topic sa social media si dating Miss Universe Catriona Gray matapos niyang masambit ang Miss Venezuela sa halip na Miss Valenzuela sa ginanap na Binibining Pilipinas pageant noong gabi ng July 11, 2021.

Ang tinutukoy niya ay ang kinatawan ng Valenzuela City, at hindi ng South American beauty powerhouse.

Agad nanguna ang "Venezuela" at "Catriona" sa Philippine Twitter trends bago natapos ang pageant. Ang Miss Valenzuela na si Meiji Cruz, na isang fan favorite, ay nakasama sa Top 12.

Sa ginanap namang 2018 Miss Universe na pinagwagian ni Catriona, naging second runner-up ang noon ay Miss Venezuela na si Sthefany Gutierrez.

Nagkaroon man ng blunder, hindi na bago sa mga Pinoy na sobrang hilig sa beauty contest ang mga ganitong pagkalito sa Valenzuela, ang unang siyudad sa Metro Manila pagkalampas sa Bulacan, sa Venezuela, ang bansa na may pinakamaraming na-produce na Miss Universe.

Noong April 2020, nang bago pa lang isinailalim ang National Capital Region sa COVID-19 quarantines, nai-share ng ABS-CBN News ang mga larawan ng prusisyon sa Venezuela. Usual practice para sa news account na mag-share ng international news na may Tagalog caption.

Continue reading below ↓

Mababasa sa naunang version ng caption ang "Sa Venezuela, tuloy ang prusisyon ng Nazarene of St. Paul kahit may nationwide quarantine na ipinatutupad doon dahil sa #COVID19 pandemic."

Kalaunan ay binanggit na ang tinutukoy ay ang South American country na may layong 17,600 kilometro mula sa Pilipinas.

Ang post ay nakakuha ng 53,000 shares.

Continue reading below ↓

Inakala ng netizens na ang religious activity ay nagaganap sa Metro Manila.

May mga kumastigo pa kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, na mahinahong nilinaw ang sakop lang ng kanyang hurisdiksiyon.

"So ang daming nagagalit sa akin dahil dito. Hindi ko alam na ako na din pala ang pinuno ng bansa na Venezuela," aniya sa kanyang nag-viral na Twitter post.

"Mga sirs and ma'ams, Mayor po ako ng dakilang lungsod ng Valenzuela. Hindi po ng bansa na Venezuela..."

Continue reading below ↓

Isa rin sa sumikat na pagkalito sa Valenzuela at Venezuela ay nang ganapin ang Miss Universe sa Pilipinas noong 1994.

Nagbigay noon si Madam Auring+, kilalang psychic, ng prediksiyon sa TV Patrol na si Miss Valenzuela ang kokoronahan bilang Miss Universe.

Siyempre, wala namang kandidatang Miss Valenzuela noon.

Merong kinatawan ang Miss Venezuela, si Minorka Mercado, na tinanghal bilang second runner-up ng prestigious beauty pageant.

FROM PEP.PH, BINIBINING PILIPINAS 2021

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agad nag-trending sa social media ang naging blooper ni 2018 Miss Universe Catriona Gray nang masambit niya ang Venezuela sa halip na Valenzuela.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results