PHP35.5M ang cash reward ni Hidilyn Diaz matapos masungkit ang gold sa Olympics

by KC Cordero
Jul 26, 2021
Lumikha ng kasaysayan si Hidilyn Diaz nang masungkit niya ang pinakaunang Olympic gold ng Pilipinas. Bukod sa medalya, nasa PHP35.5M na cash reward ang naghihintay sa kanya.

Aabot sa tumataginting na PHP35.5 million ang posibleng matanggap ni 2020 Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ang PHP10 million ay manggagaling sa Philippine government.

Batay sa Republic Act (R.A.) No. 10699 na nilagdaan noong 2015 ng yumaong dating pangulong Benigno S. Aquino III, ang isang Filipino Olympic gold medalist ay tatanggap ng PHP10 million, habang PHP5 million ang para sa silver, at PHP2 million para sa bronze.

Ang PHP10 million ay mula sa pledge ni Ramon S. Ang, ang top honcho ng San Miguel Corporation.

Ayon sa sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham "Bambol" Tolentino sa ginanap na Philippine Sportswriters Association Forum webcast noong July 13, 2021, nangako raw si Ang na tatapatan nito ang cash reward na itinakda ng batas para sa mga Olympic gold medalists ng bansa.

Nangako naman si Tolentino na magbibigay siya ng Tagaytay house and lot sa mga mag-uuwi ng gold medals.

Bukod pa rito, nag-pledge rin ng PHP10 million ang business tycoon na si Manuel V. Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation.

Continue reading below ↓

Noong July 20, sa Philippine Sportswriters Association Forum webcast, nag-anunsiyo si Deputy House Speaker Representative Mikee Romero na maglalaan siya ng additional cash incentives sa mga medalists.

Ayon sa kinatawan ng 1-PACMAN partylist, PHP3 million ang para sa atletang mag-uuwi ng gold.

Mula naman sa local government ng Zamboanga City ay makakatanggap siya ng PHP2.5 million.

Lumikha ng kasaysayan si Diaz ngayong araw, July 26, nang masungkit niya ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas matapos ang 97 taon na paghihintay.

Siya ang nagwagi sa women's 55-kg weightlifting event ng 2020 Tokyo Olympics.

Malinis na nabuhat ng 30-year-old Zamboanga native ang 127kg sa kanyang huling attempt sa clean and jerk para sa kabuuang total na 224kg.

Naungusan niya si world-record holder Liao Qiuyun (223kg total) ng China sa isang makapigil-hiningang laban.

Ang dalawang final tallies ni Diaz sa clean and jerk category at ang kanyang overall total ay mga bagong Olympic records.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumikha ng kasaysayan si Hidilyn Diaz nang masungkit niya ang pinakaunang Olympic gold ng Pilipinas. Bukod sa medalya, nasa PHP35.5M na cash reward ang naghihintay sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results