8 lugar sa Quezon City isinailalim sa “special concern lockdown”

by KC Cordero
Jul 28, 2021
Naglabas ang Quezon City government ng General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions Guidelines noong July 27, 2021 para mapigilan and pagdami ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa lungsod. Ilang lugar din ang tinukoy na Special Concern Lockdown Areas.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Delta variant ng COVID-19, walong lugar ang tinukouy ng Quezon City government bilang "Special Concern Lockdown Areas" o SCLA.

As of Hulyo 28, 2021, isinailalim sa 14-day lockdown ang ilang bahagi ng mga barangay na ito: Kaligayahan, Gulod, Tatalon, Santol, Tandang Sora, Commonwealth, Talipapa, Alicia.

Continue reading below ↓

Sa anunsyo ng QC government sa Facebook page nito, nilinaw na partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi ang buong barangay.

Ipinarating din sa mga residente na mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya, at sasailalim ang mga ito sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Naglabas din ang tanggapan ni Mayor Joy Belmonte ng memorandum para sa ipatutupad na General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions sa lungsod.

Heto ang mga kabilang sa guidelines:

  • Ang public safety hours ay 10 p.m. to 4 a.m., at ang mga puwedeng lumabas ng bahay ay ang mga (1) may official ID mula sa mga trabahong nasa essential businesses (2) may emergencies (3) may pre-booked tickets at bibiyahe by air or sea.
  • Ang mga papayagang magkaroon ng 24-hour operation ay ang "public transportation, couriers, cargo vehicles, market delivery/bagsakan, food take-out and delivery, pharmacies, hospitals, convenience stores, and delivery of essential goods," pati na rin mga "call centers at business process outsourcing (BPO)."
  • Limitado ang mga pagtitipon ng mahigit pa sa "10 persons" unless isa itong "highly-essential activity" gaya ng vaccination at distribution ng ayuda.
  • Papayagan ang religious gatherings basta "30 percent of the venue capacity" at priority ang mga fully vaccinated members.
  • Sa mga kasal, mananagot ang venue owner or operator kapag lumampas sa allowed capacity o may health protocol violations. Kelangan ring mai-record ang names at contact details ng lahat ng guests, na dapat sundin ang physical distancing.
  • Hindi na ulit puwedeng lumabas ang mga bata, pero papayagan ang mga nabakunahang senior citizens na may edad ng 65 pataas.
Continue reading below ↓

Naririto ang buong guidelines: https://bit.ly/2TCXQw2

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ang Quezon City government ng General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions Guidelines noong July 27, 2021 para mapigilan and pagdami ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa lungsod. Ilang lugar din ang tinukoy na Special Concern Lockdown Areas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results