May passport appointment during ECQ? Here's what you should do.

by KC Cordero
Aug 2, 2021
Pansamantala munang lilimitahan ng DFA ang processing ng passport applications at renewal habang nasa ilalim ng ECQ ang NCR.

Lilimitahan muna ang pagpoproseso ng passport applications at renewal mula Agosto 6-20, 2021.

Ito ay bilang pagsunod sa mga restrictions sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipatutupad sa National Capital Region (NCR).

Inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anunsiyo noong Agosto 1.

Mananatili namang bukas ang DFA Aseana sa Aseana Business Park sa Parañaque City sa panahon ng ECQ para sa processing ng passport and authentication appointments.

Tanging ang mga may appointments sa DFA Aseana ang ia-accommodate.

Bawal ang walk-in applicants.

Ang iba pang DFA offices at temporary off-site passport services sa Metro Manila ay pansamantala ring isasarado.

SA MGA MAY PASSPORT APPOINTMENT from AUGUST 6 to 20

Ipo-postpone ang mga may passport appointment mula Augosto 6-20.

Sinabi ng DFA na maglalabas ito ng advisory para sa bagong schedule at ipapadala sa e-maill address na nakalagay sa application.

Ang mga applicant na may emergency and medical travel needs ay maaaring magpadala ng e-mail request sa oca.cl@dfa.gov.ph kalakip ang kopya ng kanyang kasalukuyang passport o kaya ay government-issued IDs (para sa mga bagong applicants).

Continue reading below ↓

Dapat ding ilakip ang ang documentary proof ng emergency travel.

Ang mga flight na nai-book in advance ay hindi ikukonsiderang urgent, ayon sa DFA.

Pinapayuhan ang passport applicants na huwag munang mag-book ng flight habang hindi pa nila nakukuha ang kanilang valid passports.

Ang authentication appointments na naka-schedule mula Agosto 6-20 sa mga sumusunod na opisina ay ia-accommodate sa DFA Aseana:

  • Ali Mall Cubao
  • SM Manila
  • SM Megamall
  • Metro Gaisano Alabang

Susundin ang original time and date of appointments.

SA MGA MAY REQUEST PARA SA EARLY AUTHENTICATION

Ang mga applicants ay maaaring mag-request ng early authentication o apostille appointments sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa oca.authentication@dfa.gov.ph.

Dapat ilakip sa e-mail ang mga dokumento na kailangang i- authenticate, ang kasalukuyang passport o kaya ay valid government-issued IDs, kasama ang proof of urgency.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pansamantala munang lilimitahan ng DFA ang processing ng passport applications at renewal habang nasa ilalim ng ECQ ang NCR.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results