Bakit hitik na hitik sa balimbing ang election season?

by KC Cordero
Aug 19, 2021
Inihahalintulad sa prutas na balimbing ang mga pulitiko sa Pilipinas na walang loyalty sa partidong kanilang kinaaaniban, at agad inililipat ang suporta sa presidential candidate na mas malaki ang tsansa na manalo sa halalan.

Kahit saang anggulo mo tingnan ang prutas na balimbing, parang lagi itong nakaharap sa iyo, di ba?

Ito ay dahil iisa ang hitsura ng apat na dulo nito.

Sa Pilipinas, sa balimbing inihahalintulad ang mga pulitikong madalas bumaligtad, magpalit ng suporta, o lumipat ng partido, lalo na kapag malapit na ang eleksyon.

Kaya ngayong papalapit na ang May 2022 national elections, asahang mauuso na naman ang mga “balimbing” na pulitikong kakandidato.

Sa artikulong “Why Balimbing Stands for Turncoats in Philippine Politics” na lumabas sa website ng reportr.world noong August 18, 2021, ipinaliwanag kung bakit balimbing ang tawag sa Pinoy politician na palipat-lipat ng partido.

Continue reading below ↓

“Some believe that the fruit’s many faces—it is segmented, giving it a star-shaped cross section—remind of the fickleness and duplicity of Filipino politicians,” paliwanag ni University of the Philippines political science professor Alicor Panao.

Binigyang-kahulugan naman sa Kapampangan Dictionary ni Michael Forman na nailathala noong 1971 ang balimbing bilang, “a person who backbites and says nice things in your presence but derogates you in your absence.”

Ayon naman kay UP political science professor Maria Ela Atienza, ang balimbing ay ginamit na rin bilang bansag sa mga lumilipat ng partido kahit bago pa man nag-Martial Law era, kung saan ang Philippine politics ay dominado ng dalawang partido.

Pagbabahagi ni Atienza, maging si dating pangulong Ferdinand Marcos ay isa ring balimbing. Lumipat ito sa Nacionalista Party mula sa Liberal Party nang magdesisyon ang incumbent na si Diosdado Macapagal na tumakbo sa pagka-Pangulo noong 1965.

Dagdag pa niya, “Turncoats and balimbings became more rampant after EDSA I in 1986 because we shifted from a dominant two-party system to a multiparty system. So, there are more parties to move around and it is easy for politicians to create new parties.”

HOT STORIES

PAGLIPAT-LIPAT NG PARTIDO

Mabilis masira ang mga relasyon at pagkakaibigan sa pulitika kapag malapit na ang national elections.

Ang mga pulitiko ay karaniwang kumakampi sa presidential candidate na may pinakamalaking tsansa na manalo. Mas marami naman ang bumabalimbing kapag naideklara na ang nanalo.

Para sa mga gustong tumakbo sa pagkapangulo, naghahanap sila ng partido na magsisilbing machinery sa kanilang kandidatura.

Si Manila Mayor Isko Moreno, na pumapangalawa sa mga “preferred presidential candidates” batay sa mga surveys, ay sumama at nahalal pa bilang presidente ng Aksyon Demokratiko party. Iniwan na niya ang National Unity Party kung saan halos tatlong taon siyang naging miyembro.

Continue reading below ↓

Nakipag-alyansa naman si Senator Panfilo Lacson sa Partido Reporma, na niluklok siya bilang chairman nito. Halos dalawang dekada na independiyente ang senador, na tatakbo sa pagka-Pangulo sa ikalawang pagkakataon.

Para sa political analyst na si Atienza, “It is easy for politicians to move to the party of a popular president if they think that this will benefit their political future.

“[They also] display so-called independence or shift to another party if they think associating themselves with a lame-duck unpopular president or a weak candidate will endanger their political future.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Lacson, umanib siya sa Partido Reporma dahil ang mga prinsipyo ng naturang partido umano ay kalinya ng kanyang mga adbokasiya.

Ang paglipat naman ni Isko ng partido ay dahil naniniwala ang alkalde ng Maynila na ang pagiging pangulo ay hindi namamanang posisyon.

Continue reading below ↓

Ang NUP ay nakikipag-alyansa sa partido ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na napapaulat ding tatakbo bilang pangulo.

Ito ang binabanggit ni Isko na hindi dapat ipinamamana ang pagkapangulo.

ANO ANG SILBI NG PARTIDO?

Nagtatagumpay ang mga balimbing na pulitiko sa ating bansa dahil sa tinatawag na padrino system. Napakatipikal na ang mga pulitiko ay lumipat ng partido dahil kapag ginawa nila, inaasahan na ang mga tagasuporta ng nilapatang partido ay susunod din sa kanila, ayon sa poltical analyist na si Panao.

Dagdag pa ni Panao, ang mga Pinoy ay sobra ang laki ng pagtingin sa pangulo bilang pinuno. Dahil sa labis na paghangang ito, napipilitan ang mga pulitiko na umanib sa political party ng presidential candidate na malaki ang posibilidad na manalo pagdating ng halalan.

Aniya, “This is why we typically see politicians create or switch parties right before the election, switch again during the midterm election, then switch anew before the next presidential election.”

Continue reading below ↓

Noong 2016, matapos magwagi ni Pangulong Rodrigo Duterte, daan-daang pulitiko ang lumipat sa kanyang partido na PDP-Laban at bumuo pa ng “supermajority” sa Congress.

Sa kasalukuyan, ang mahigit 100,000 members ng PDP-Laban ay nahahati sa dalawang factions na parehong nagsasabi na sila ang mas may karapatan sa pamumuno sa partido.

Continue reading below ↓

Para kay Atienza, ang kawalan ng pormal at di-pormal na parusa sa paglipat ng partido ang naging daan kaya hitik na hitik ang ating bansa ng mga pulitikong balimbing.

Aniya, “We do not have laws punishing turncoats or political parties that do not have strong party programs of government. Political parties in the Philippines themselves do not police their own ranks.”

Ang mga political parties ang inaasahan na dapat na maging tulay sa pagitan ng mga mamamayan at ng estado. Sila rin ang dapat na kumatawan sa mga interes ng mga tao para makagawa ng mga polisiya.

Pero kung binuo lang ang mga partido para sa layunin na ang mga pulitiko ay magwagi sa halalan, ang relasyong ito ay walang kapupuntahan, ayon kay Panao.

Paglilinaw niya, “If they can win elections simply by switching parties, why would there be a need to be responsive to citizens?

“Citizens will only feel more alienated and detached from the policy process.”

Continue reading below ↓

DAPAT BANG MAY BATAS NA MAGBA-BAN SA MGA BALIMBING NA PULITIKO?

Ilang panukalang batas na ang naihain para ipagbawal ang pagbabalimbing ng mga pulitiko, pero hindi nakakapasa ang mga ito sa committee level ng House of Representatives.

May anti-turncoatism provision rin sa proposed constitutional amendments para sa Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform.

Sa tingin ni Panao, bagaman at ang batas na magbabawal sa pagbalimbing ay makalilikha ng mga partido kung saan makapipili nang maayos ang mga Pinoy ng kanilang iboboto, malabo naman na makalikha ng batas para rito.

Dagdag niya, “If current clientelistic politics suits Filipino politicians just fine, we cannot expect them to introduce reforms, do we?

“After all, no rational politician would sign his own death sentence.”

Para naman kay Atienza, hindi lang basta batas ang kailangan para matigil na ang balimbingan sa pulitika.

Aniya, “We also need to pay attention to reforms in the electoral and party systems as well as focus on voters education to actually promote more programmatic-based political parties and prevent turncoats.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihahalintulad sa prutas na balimbing ang mga pulitiko sa Pilipinas na walang loyalty sa partidong kanilang kinaaaniban, at agad inililipat ang suporta sa presidential candidate na mas malaki ang tsansa na manalo sa halalan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results