May passport appointment ka ngayong MECQ? Alamin ang dapat gawin

by KC Cordero
Aug 23, 2021
Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga passport applicants na laging bisitahin ang DFA website para sa updates kaugnay ng passport appointments. Photo courtesy of DFA

Ibabalik na ng Department of Foreign Affairs ang pagpoproseso ng passport applications sa mga consular and satellite offices sa mga lugar na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa huling 10 araw sa buwan ng Agosto 2021.

Maging ang operasyon ng lahat nang consular offices sa National Capital Region at sa Temporary Off-Site Passport Services o TOPS ay magpapatuloy na rin.

Matatandaang pansamantalang nilimitahan ang pagpoproseso ng mga passport dahil sa ipinatupad na dalawang linggong lockdown sa high-risk areas sa buong bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kung mayroon kayong passport appointment ngayong Agosto, naririto ang mga dapat ninyong gawin:

Para sa mga applicants na ang appointment date ay mula August 6 to 20, 2021

  • Dapat sundin ng aplikante ang bagong appointment schedule / location na natanggap nila sa kanilang e-mail.
  • Ang TOPS applicants na hindi pumunta sa kanilang rescheduled appointment ay pinapayuhang huwag magsadya sa mga original TOPS locations o sa alinmang DFA CO dahil hindi sila ie-entertain.
  • Ang mga nasabing aplikante ay kinakailangang mag-email sa mga sumusunod na address para mag-request ng panibagong appointment schedule:
    Continue reading below ↓

Para sa mga aplikante na ang appointment date ay mula August 23 to 31, 2021

  • Ang mga aplikante ay dapat sundin ang kanilang appointment schedule, maliban na lang kung nakatanggap sila ng abiso na huwag nang tumuloy (halimbawa ay kung isinara ang partikular na CO/TOPS dahil sa disinfection, mandatory quarantine, etc.).
  • Bawal ang walk-ins
  • Para sa mga aplikante na may emergency at urgent medical travel needs:
    • Magpadala ng e-mail request sa cl@dfa.gov.ph
    • Ilakip ang kopya ng identification documents, gaya ng current passport. Kung new applicant, mag-attach ng government-issued ID.
    • Proof o katibayan ng kanilang emergency travel
    • Kahit may hawak nang flight ticket, hindi ito ikinukonsiderang urgent

Ang operasyon ng consular and satellite offices ay maaaring mabago depende sa guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force, ayon sa DFA.

Pinapayuhan ang mga aplikante na laging bisitahin ang DFA website para sa updates kaugnay ng passport appointments.

Nililimitahan rin ng DFA ang bilang ng aplikanteng pisikal na pupunta sa mga opisina nito para maayos na maipatupad ang social distancing at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa publiko at sa kanilang staff.

Continue reading below ↓

Lahat ng aplikante na kailangan ang physical appearance ay dapat na magsuot ng face masks at face shields. Required ding madala ang mga ito ng sariling ballpen.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga passport applicants na laging bisitahin ang DFA website para sa updates kaugnay ng passport appointments. Photo courtesy of DFA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results