PAALALA: Bawal pa ring magsaya at maglamyerda ngayong MECQ

by KC Cordero
Aug 24, 2021
Kahit ibinaba na sa MECQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, may mga negosyo at serbisyo na mananatili pa ring sarado. Photo from Facebook

Dahil ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lockdown classification sa Metro Manila, Laguna, at Bataan noong August 21, 2021, mas maraming establisiyemento na ang pinapayagang magbukas hanggang sa katapusan ng buwan.

Pero ang ilan dito ay limitado lang ang kapasidad.

Samantala, batay sa bagong omnibus guidelines mula sa Inter-Agency Task Force on COVID-19, ang ilang negosyo ay mananatili pa ring sarado.

Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang paglaganap ng mas nakahahawang Delta variant.

Naririto ang mga establishments na mananatiling sarado sa MECQ areas hanggang August 31 ayon sa IATF guidelines:

  • Indoor dine-in services of food preparation establishments, such as commissaries, restaurants, and eateries
  • Entertainment venues with live performers, such as karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theaters, and cinemas
  • Recreational venues such as internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, and similar venues
  • Amusement parks or theme parks, fairs/peryas, kid amusement industries such as playgrounds, playroom, and kiddie rides
  • Outdoor sports courts or venues for contact sports, scrimmages, games, or activities
  • Indoor sports courts or venues, fitness studios, gyms, spas or other indoor leisure centers or facilities, and swimming pools
  • Casinos, horse racing, cockfighting and operation of cockpits, lottery and betting shops, and other gaming establishments except for the draws conducted by the Philippine Charity Sweepstakes Office
  • Indoor visitor or tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, and cultural shows and exhibits
  • Outdoor tourist attractions
  • Venues for meetings, incentives, conferences, and exhibitions
  • Personal-care services which include beauty salons, beauty parlors, medical aesthetic clinics, cosmetic or derma clinics, make-up salons, nail spas, reflexology, aesthetics, wellness, and holistic centers, and other similar establishments; acupuncture and electrocautery establishments, and massage therapy including sports therapy establishments. It also includes establishments providing tanning services, body piercings, tattooing, and similar services.
Continue reading below ↓

Bawal din maging ang home service para sa personal-care services.

Samantala, sa MECQ, ay hindi pa rin pinapayagan ang pisikal na pagpunta sa mga bahay sambahan, at magiging virtual muna ang mga misa.

Pagdating naman sa trabaho, maaaring pumasok ang mga empleyado, pero paalala mi Presidential Spokesperson Harry Roque, limitado pa rin ito, at dapat na magpatupad ang mga kumpanya ng alternative working schedule.

Pinapayagan na ang necrological services at burol sa mga pumanaw na hindi COVID-19 ang dahilan, pero ang pangunahing miyembro ng pamilya lamang ang papayagang dumalo.

Bawal pa rin ang paglabas sa bahay maliban lamang kung bibili ng pagkain at iba pang essentials.

Hindi pa rin pinapayagang lumabas ang mga 18 anyos pababa at 65 anyos pataas, may comorbidities at mga buntis, maliban na lang kung importante ang gagawin, gaya ng pagbili ng gamot.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit ibinaba na sa MECQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, may mga negosyo at serbisyo na mananatili pa ring sarado. Photo from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results