Paumanhin ng PGH: Hindi muna tatanggap ng pasyente sa emergency room

by KC Cordero
Aug 25, 2021
Humingi ng paumanhin ang Philippine General Hospital dahil hindi muna makatatanggap ng pasyente ang emergency room nito. Sobra na kasi sa itinakdang COVID-19 patients ang kasalukuyang naka-admit sa government-run hospital. FB photo

Naglabas ang Philippine General Hospital (PGH) ng anunsiyo noong Agosto 24, 2021 na hindi muna tatanggap ng mga pasyente sa emergency room nito.

Maraming kasing naka-confine na COVID-19 patients ang nangangailangan ng intensive care.

Kapag tumanggap pa ang government-run hospital ng mga bagong kaso ay baka hindi na matugunan ng mga health workers nito ang kalagayan ng mga karagdagang pasyente.

Continue reading below ↓

Naririto ang buong pahayag ng PGH: "Higit 100 na sa una naming itinakdang 230 na bilang ang kasalukuyang COVID-19 patients na naka-admit sa PGH, at karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng intensive care, high-flow oxygen, at ventilators.

“Malalagay lang sa peligro ang kapakanan ng mga pasyente, at pati na rin ang aming mga kawani, kung ito ay hahayaan naming madagdagan pa.

“Sa kadahilanang ito: PANSAMANTALANG HINDI MUNA TATANGGAP NG PASYENTE ANG PGH sa aming Emergency Room.

“Humihingi po kami ng inyong paumanhin at pang-unawa. Patuloy po kayong makipag-ugnayan sa aming PGH Transfer Command Center.”

Maaaring tumawag sa PGH Transfer Command Center mula alas sais ng umaga hanggang alas diyes ng gabi.

Ibinigay rin ng PGH ang mga sumusunod na contact numbers ng PGH TCC:

09323390827 (SUN: Viber & Telegram)

09555492755 (Globe)

85249966 (Direct line)

85548400 local 2538 or 2539

Maaari ring mag-email sa: pghcc@gmail.com.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humingi ng paumanhin ang Philippine General Hospital dahil hindi muna makatatanggap ng pasyente ang emergency room nito. Sobra na kasi sa itinakdang COVID-19 patients ang kasalukuyang naka-admit sa government-run hospital. FB photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results