Mahigit 1,000 trabaho para sa OFWs naghihintay sa Brunei

by KC Cordero
Aug 30, 2021
Nilagdaan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang job orders para sa kinakailangang mahigit 1,000 skilled and non-skilled overseas Filipino workers sa Brunei. Facebook photo

Mahigit 1,000 trabaho ang naghihintay sa mga kuwalipikadong overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang ibinalita ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) noong August 27, 2021.

Ayon kay Labor Attaché Melissa Mendizabal, kailangang-kailangan ngayon sa Brunei ang mga skilled and non-skilled Filipino workers.

Kabilang sa mga puwedeng mag-apply ang household service workers (HSWs) at health care workers (HCWs), bukod pa ang ibang posisyon.

Pahayag ni Mendizabal, “Prior to our current situation, the first job they opened is for domestic workers.

"So there are many employers who can afford to hire domestic workers because it was quite costly.

“We processed quite a number, and then on top of that they also need nurses.

"We also received requests for nurses for one job order and also for the oil and gas industry.”

Dagdag pa niya, nalagdaan na nila ang job orders para sa mga trabahong iniaalok ng Brunei.

“So far we’ve signed job orders from these sectors, HSWs, nurses 200 plus, doctors around 30, and at least less than 1,000 for oil and gas sector.”

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Mendizabal na prayoridad ng mga employers sa Brunei ang mga OFWs.

Aniya, “Our kababayans will always be the first choice among migrant workers to work here, they really prefer Filipino workers.

“Some employers are even proud in saying and in telling our ambassador that, you know they are very proud.

"Because they say Filipinos are hardworking, and caring, all praises for our workers.”

Batay sa tala ng POLO, sa kasalukuyan ay may 20,000 OFWs sa Brunei.

Pinayuhan naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga kababayan nating naghahanap ng trabaho sa abroad.

Para makaiwas sa scam ay gamitin ang POEA Verification System sa POEA website: www.poea.gov.ph, o mag-email sa POEA Information Center: connect@poea.gov.ph, para makatiyak na lehitimo ang job offer.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilagdaan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang job orders para sa kinakailangang mahigit 1,000 skilled and non-skilled overseas Filipino workers sa Brunei. Facebook photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results