Digital COVID-19 vaccine certificate target ipatupad sa Oktubre 2021

by KC Cordero
Aug 30, 2021
Inaayos na ng Department of Information and Communications Technology ang mga mekanismo para sa rollout ng digital vaccine certificate o Vaxcert.PH ngayong October 2021. Facebook photo

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maipatupad na sa October 2021 ang digital vaccine certificate o ang Vaxcert.PH.

Ito ang ibinahagi ng DICT sa joint congressional briefing ng House Committees on Information and Communications Technology, Health at Economic Affairs noong August 27, 2021.

Sinabi ni DICT Undersecretary Emmanuel Caintic na isasagawa ngayong September 2021 ang dry run bilang paghahanda sa rollout ng Vaxcert.PH sa October.

Uunahin ang mga fully vaccinated sa NCR at mga OFWs.

Ang pagbuo ng vaccination certificate ay nakabatay sa IATF Resolution No. 134 na layong magkaroon ng iisa at internationally recognized certification bilang patunay na bakunado na ang isang indibidwal.

Sinabi ni Caintic na sa kasalukuyan ay nasa beta testing ang software application para sa Vaxcert.PH.

Sa hiwalay na press briefing noong August 19, sinabi niya na papayagan ang publiko na makapag-apply ng vaccine certificate sa online portal ng DICT simula sa unang linggo ng September.

Continue reading below ↓

Ayon sa opisyal, “Doon po nila ilalagay ang detalye ng mga pangalan nila at saka kung kailan po iyong petsa ng kanilang pagbakuna para ma-check at ma-look up natin sa ating vaccine information database.”

Kung magtutugma ang mga imposmasyon batay sa nakalagay sa database, agad nang mabibigyan ang nag-apply ng vaccine certificate.

Ani Caintic, “Kung hindi man, may contact center na tatawag sa kanila at aalalayan sila para makuha ito.”

Kung hindi raw makikita ang record ng nag-a-apply, posibleng hindi ito naipadala ng kaukulang local government unit (LGU) sa system.

Sabi naman ni Caintic ay may solusyon sa ganitong sitwasyon.

“Huwag mag-alala kasi tinuturuan po natin ang mga LGUs ngayon kung paano matulungan ang kanilang mga constituents sa pagkuha at pag-rectify at pag-aayos ng kanilang mga datos.”

Tiniyak naman ng opisyal na walang dapat ipangamba ang publiko dahil ang mga personal data at information ng isang fully vaccinated ay protektado ng kanilang system.

Continue reading below ↓

May nakapaloob sa vaccination certificate na verification feature na QR code na magiging batayan ng mga border authorities na ma-verify ang authenticity nito.

Ang system ay nag-base sa batayan para sa digital documentation COVID certificate ng World Health Organization (WHO).

Samantala, papayagan naman ng DICT ang mga LGUs na magamit ang DICT Vaccine Administration System dahil dito magmumula ang impormasyon na gagamitin sa Vaxcert.PH.

Sinasanay na rin ng DICT ang LGUs para sa maayos na rollout.

Ang vaccination data ng publiko ay pangangasiwaan ng DICT at ng DOH.

Ani Caintic, “At ang pag-issue po ng vaccine certificate ay private key encrypted at ito’y hawak lang po ng DOH.”

Dagdag pa niya, ang DOH ang mismong mag-iisyu ng certificate.

At para matiyak na ito ay authentic, ang mga vaccine certificates ay “digitally signed” batay sa mga datos ng DOH.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaayos na ng Department of Information and Communications Technology ang mga mekanismo para sa rollout ng digital vaccine certificate o Vaxcert.PH ngayong October 2021. Facebook photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results