National ID tinatanggap na sa mga transaksiyon sa BIR, DFA, bangko

by KC Cordero
Sep 6, 2021
Isa ang Bureau of Internal Revenue o BIR sa national government agencies na nag-i-endorso sa paggamit ng PhilID, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority. Photo courtesy of PhilSys FB

Tinatanggap na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Philippine Identification (PhilID) card, o national ID, bilang valid proof of identity para sa lahat ng transaksiyon sa kanilang tanggapan.

Isa ang BIR sa national government agencies na nag-i-endorso sa paggamit ng PhilID, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority noong August 23, 2021.

Bukod sa BIR, maaari na ring gamitin ang PhilID sa mga transaksiyon sa Philippine Postal Corporation at Department of Foreign Affairs.

Sinabihan na rin ng Central Bank of the Philippines ang mga bangko na i-honor ang PhilID ng kanilang mga kliyente.

Batay sa Republic Act (RA) No. 11055, o ang Philippine Identification System (PhilSys) Act, ang PhilID ang magsisilbing official government-issued identification document ng may hawak nito sa pakikipagtransaksiyon sa lahat ng national government agencies, local government units, government-owned or controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, at lahat ng pribadong sektor.

Alinsunod naman sa Section 19 ng RA 11055, ang sinuman (person or entity) na tatangging tanggapin o kilalanin ang PhilID card o PhilSys Number bilang nag-iisang official identification ng holder nang walang makatarungan o sapat na dahilan ay pagmumultahin ng PHP500,000.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte para maging batas noong August 2018, layunin ng PhilSys Act na magkaroon ng “single national ID for all Filipinos and resident aliens.”

Ang national ID ang magsisilbing valid proof of identity at magiging paraan upang gawing simple para sa mga Filipino ang anumang public and private transactions, enrollment sa mga school, at pagbubukas ng bank accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magiging mabilis din ang pag-a-avail ng mga Filipino ng government services kung saan isang ID na lang ang kailangang ipakita.

Batay sa datos, noong August 18 ay 1,048,255 PhilID cards ang nai-deliver na ng PHLPost, ang official delivery partner ng PhilSys.

Ipinapaalala sa publiko na libre ang buong proseso ng pagkuha ng PhilID.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa ang Bureau of Internal Revenue o BIR sa national government agencies na nag-i-endorso sa paggamit ng PhilID, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority. Photo courtesy of PhilSys FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results