Passport applications sa DFA-SM Megamall suspended; 11 employees, may COVID-19

by KC Cordero
Sep 7, 2021
Habang suspendido ang operasyon ng DFA NCR East consular office sa SM Megamall, ang mga apektadong passport applicants ay makakatanggap ng email mula sa DFA na nagsasaad ng kanilang alternative passport appointment time slot. Facebook photo

Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng consular office nito sa SM Megamall for the period of September 6 to 10, 2021 kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Para sa mga passport applicants sa mga nasabing petsa, ia-accomodate sila sa DFA-Aseana sa araw ng kanilang schedule.

Makatatanggap din sila ng e-mail para sa kanilang alternative passport appointment time slot.

Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary Brigido Dulay noong September 4, 2021: "Our SM Megamall (NCR East) consular office got hit hard by Covid. 11 positives!

“We’re shutting it down temporarily. This pandemic has impacted our capacity to service the public and we seek your understanding."

Magsasagawa muna ang DFA ng disinfection sa buong bahagi ng nabanggit na consular office para sa kaligtasan ng kanilang mga kawani at mga passport applicants.

Humingi rin sila ng pang-unawa sa publiko dahil kailangang sundin ng ahensya ang mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang suspendido ang operasyon ng DFA NCR East consular office sa SM Megamall, ang mga apektadong passport applicants ay makakatanggap ng email mula sa DFA na nagsasaad ng kanilang alternative passport appointment time slot. Facebook photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results