Manila Zoo, mas pinaganda; magbubukas sa December 2021

by KC Cordero
Sep 9, 2021
Inaasahang ma-e-enjoy muli ng publiko ang bagong Manila Zoo kapag binuksan muli ito sa December 2021. Tiniyak din ng mga opisyal ng Maynila na mas magiging maayos ang tirahan at kalagayan ng mga hayop sa zoo. Screenshot from Manila Public Information Office FB

Marami sa mga Manileño ang may fond memories ng Manila Zoo, na unang binuksan noong July 25, 1959.

Ito ang pinakamatandang zoo sa PIlipinas, at halos 1,000 hayop ang naninirahan rito.

Mid-2020 ay isinara ito sa publiko alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ikinukunsidera raw kasi itong "major pollutant of Manila Bay" dahil wala itong sewage treatment plant.

Noong July 2020, sinimulan ang redevelopment project para sa “Bagong Manila Zoo”.

Mahigit PHP7.1 bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa proyektong ito.

September 3, 2021 ay binisita nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Manila Zoo para makita ang progreso sa isinasagawang pag-aayos at pagpapaganda sa nasabing pasyalan.

Nag-live stream din sa Facebook si Mayor Isko noong September 4 para makita ng publiko ang mga pagbabagong ginagawa sa zoo.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ng alkalde na ang itinatayong aviary para sa mga ibon ang magiging pinakamalaki sa buong Pilipinas.

Magkakaroon naman ng bagong tahanan at swimming pool si Mali, ang sikat na elepante ng Manila Zoo.

Para sa mga mamamasyal na senior citizen, sinabi ni Mayor Isko na bibili ang lungsod ng mga golf cart na pang-Safari ang disenyo para hindi na mahirapan ang mga ito sa paglalakad.

Continue reading below ↓

Tiniyak din niyang hindi maaapektuhan ng rehabilitasyon ang mga punongkahoy na sa loob ng zoo.

Aniya, "Iniwasan natin ang pagputol ng puno. Natural lang, hindi natin ginalaw. Isinabay natin sa design. May respeto tayo sa nature."

Ang Bagong Manila Zoo ay inaasahang magbubukas sa publiko ngayong Disyembre 2021.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahang ma-e-enjoy muli ng publiko ang bagong Manila Zoo kapag binuksan muli ito sa December 2021. Tiniyak din ng mga opisyal ng Maynila na mas magiging maayos ang tirahan at kalagayan ng mga hayop sa zoo. Screenshot from Manila Public Information Office FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results