Automatic Centre closing down appliance business in October 2021

by KC Cordero
Sep 9, 2021
Paalam, Automatic Centre, ang pinakamatagal na electronics retail store chain sa bansa! Photo courtesy of Francis Mel J. Ramos

Magsasara na ang Automatic Centre, a 70-year-old electronics retail store chain, sa October 10, 2021.

Sa liham na ipinadala nito sa mga business partners noong September 8, sinabi ni Automatic Centre president and chief executive officer Geoffrey Lim na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang business.

Tiniyak naman niya sa mga ito na kikilalanin ng kumpanya ang kanilang mga obligasyon at makikipagtulungang mabuti para matiyak ang maayos na transition at closing process.

Continue reading below ↓

Matapos ang announcement, nag-post ang isang empleyado ng Automatic Centre na si Francis Mel J. Ramos ng pasasalamat sa kumpanya sa malaking tulong na nagawa nito sa mga pamilya nila, at sa masasayang alaala na kanilang pinagsaluhan.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Lim na naghahanap ang kanilang pamilya ng mga interesado na gamitin o i-adopt ang Automatic Centre brand na 70 taon ang naging operasyon.

Ang kumpanya ay itinatag noong 1948 ni Benito Lim at may 20 branches sa Metro Manila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paalam, Automatic Centre, ang pinakamatagal na electronics retail store chain sa bansa! Photo courtesy of Francis Mel J. Ramos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results