Vaccination certificate mula sa VaxCertPH portal, free of charge

by KC Cordero
Sep 13, 2021
Libre ang COVID-19 vaccination certificate mula sa VaxCertPH portal na ipagkakaloob sa mga fully vaccinated na. Photo courtesy of Department of Information and Communications Technology

Magbubukas na ang VaxCertPH portal para sa publiko sa October 2021, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Emmanuel Caintic.

Ang VaxCertPH portal ang magsisilbing digital documentation system na mamamahala sa pagbibigay ng COVID-19 vaccination certificate sa mga fully vaccinated na.

Sa ipinadalang mensahe ng DICT sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 7, sinabi ng departamento na libre o free of charge ang VaxCertPH.

Nagkaroon na ng soft launching ito sa National Capital Region (NCR) at Baguio City noong September 6.

Continue reading below ↓

Ayon kay Caintic, bagama’t handa na ang VaxCertPH system, kailangan ang soft launching para matulungan ang local government units (LGU) na makumpleto ang vaccination data at maitama kung may mga maling impormasyon.

Paliwanag ng opisyal, “Binibigyan namin ng sapat na panahon para makita namin ang response ng mga LGU, kung kumusta ang kanilang pag-unlock noong mga requests for data rectification.”

Isa ang Pilipinas sa mga unang nag-develop ng vaccination data system na compliant sa standard ng World Health Organization.

Bukod sa mga taga-NCR at Baguio City, prayoridad din sa enrolment sa system ang overseas Filipino workers at mga bibiyahe sa labas ng bansa.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Caintic na ang mga nakakumpleto lang ng kanilang COVID-19 vaccination makalipas ang 14 na araw ang maaaring i-access ang system alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 120.

Ayon pa sa opisyal, “Inaasahan po namin na sa mga susunod na mga araw o linggo ay bubuksan na po ito sa lahat ng mga Pilipino sa buong bansa, at maaari rin po itong gamitin sa iba pang mga bagay maliban sa international travel.”

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag din niya na kung magbibiyahe sa labas ng Pilipinas, ang vaccine certificate ay hindi immunization passport o valid ID, at dapat itong ipakita kasama ang passport at iba pang identification, gayundin ang yellow card na iniisyu ng Bureau of Quarantine kung required ng bansang pupuntahan.

Ang vaccination certificate mula sa VaxCertPH ay dapat na taglay ang personal information ng may hawak nito, maging ang vaccination data mula sa Vaccine Information Management System database.

Dapat ding protektado ito ng QR verification system bukod pa sa ibang security measures.

Naririto ang link para ma-check ang inyong vaccination certificate: https://vaxcert.doh.gov.ph/

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Libre ang COVID-19 vaccination certificate mula sa VaxCertPH portal na ipagkakaloob sa mga fully vaccinated na. Photo courtesy of Department of Information and Communications Technology
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results