DepEd tatanggap pa ng enrollees hanggang September 30

by KC Cordero
Sep 14, 2021
May pagkakataon pa ang mga learners na hindi pa nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022 na makahabol sa enrollment hanggang September 30. Photo courtesy of Department of Education

Tatanggap pa ang Department of Education (DepEd) ng enrollees para sa School Year 2021-2022 hanggang September 30, 2021.

Ito ang inihayag ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo noong September 13.

Ayon sa opisyal, “Umaasa po tayo na sa buwang ito ay mas mahihigitan natin ang numero ng enrollment natin noong nakaraang school year 2020–2021.

“Dahil ngayong September 13, 2021, sa pagbubukas ng klase ay mayroon na kaagad tayong 24.6 million enrollees.”

Sinabi niyang maglalabas ang DepEd ng memorandum para sa magiging schedule ng late enrollment.

Sa kasalukuyan, 24,603,822 million learners ang naka-enroll sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa.

Nasa 198,297 learners naman ang nagpatala para sa Alternative Learning System.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May pagkakataon pa ang mga learners na hindi pa nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022 na makahabol sa enrollment hanggang September 30. Photo courtesy of Department of Education
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results