Muling magbubukas ang Rizal Park sa September 16, 2021.
Pero limitado lang ang kapasidad, at pinaikli rin ang operating hours nito.
Ito ang ini-anunsiyo ng Department of Tourism (DOT) noong September 15.
Para sa mga gustong mag-ehersisyo, bukas ito mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. para sa mga edad 18 hanggang 65 years old, at limitado ang admission sa 500 katao.
Pinapayuhan rin ang mga nais mamasyal sa Rizal Park na i-download ang StaySafe app para mas mabilis na makapasok sa loob.
Kung walang mobile phone, kailangang mag-fill up ng manual contact tracing forms sa may entrance.
Bukod sa Rizal Park, bubuksan rin ang Fort Santiago, Baluarte de San Diego, at Plaza San Luis. Tanging ang edad 18 hanggang 65 years old lang din ang maaaring makapamasyal sa mga ito.
SCHEDULE AT ENTRANCE FEE
Bukas ang Fort Santiago umpisa 9 a.m. hanggang 7:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes, at mula 9:00 a.m. hanggang 8:30 p.m. kapag Sabado at Linggo.
Limitado lang ito sa 150 bisita.
Araw-araw namang nakabukas ang Baluarte de San Diego mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., at limitado sa 80 bisita.
Ang entrance fee para sa Fort Santiago at Baluarte de San Diego ay mananatiling PHP75 para sa regular visitors, at PHP50 para sa discounted eligible visitors, gaya ng mga senior citizens, students and PWDs.
Libre naman ang entrance sa Plaza San Luis, at bukas ito araw-araw mula 8 a.m. hanggang 9 p.m.
MGA EMPLEYADO, FULLY VACCINATED NA
Tiniyak ng DOT sa mga mamamasyal na 99 percent ng Intramuros Administration (IA) workers ang fully vaccinated na, kabilang ang kanilang outsourced security and janitorial workers.
Nasa 96 percent ng Rizal Park personnel ang kumpleto na ang COVID-19 dose.
Maglalagay rin ang IA ng express lane para sa fully vaccinated individuals na bibisita sa Fort Santiago at Baluarte San Diego.
Papayagan sila na sa loob na punan ang mandatory contact tracing form at ibibigay na lang sa security personnel pag lalabas na.
MAHIGPIT NA HEALTH AND SAFETY PROTOCOLS
Samantala, anuman ang vaccination status, lahat nang bisita ay kinakailangang sumailalim sa mandatory temperature check sa mga entrance.
Required din sila na sumunod sa minimum health standards, gaya ng pagsusuot ng masks at face shields, pagsunod sa tamang physical distancing, at laging paghuhugas o pagdi-disinfect ng mga kamay.
Paalala ni Tourism Chief Bernadette Romulo-Puyat sa publiko, “Time and again, we are reminding everyone to strictly follow the health and safety protocols when visiting Rizal Park, Intramuros, and other tourist sites and destinations that have reopened, and get vaccinated when the opportunity comes."
Dagdag pa niya, "By doing so, not only can you protect yourself, but you are also keeping the workers who rely on tourism safe from the virus, too.”