Quezon City may 37,000 online slots for one-day vaccination drive sa September 23

by KC Cordero
Sep 21, 2021
Sa ilalim ng QC Vax Easy Plus system ay may opsyon ang mga taga-Quezon City na pumili ng oras ng vaccination at venue na convenient sa kanila, batay sa availability ng bakuna. Photo: Quezon City Government on Facebook

Magbubukas ang Quezon City government ng 37,000 online slots para sa mga residente ng lungsod na hindi pa nakatatanggap ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine.

Isasagawa ang one-day vaccination drive sa Huwebes, September 23, 2021.

Ang online booking ay nagsimula kaninang alas sais ng umaga, September 21, sa ilalim ng QC Vax Easy Plus system, kung saan ang mga residente at mga manggagawa ay may opsyon na pumili ng oras ng pagpapabakuna at venue na convenient sa kanila, batay sa availability ng bakuna.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, upgraded ang system para ang mga residente ay mabilis na makakapag-book ng kanilang preferable COVID-19 vaccination appointments.

Ani Belmonte, “We hope that through this modification, we can reduce the number of defaulters or individuals who have been given slots by the city but don’t show up at the site because the time and date assigned to them doesn’t suit their schedule."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng alkalde, “We must remember that our vaccines are sensitive. All allocated vaccines for the day must be used up so their integrity is not compromised by having to transport them back to the cold storage facility, then later to the site again.”

Ang mga indibidwal na interesadong mag-sign up sa vaccination program ng Quezon City ay maaaring i-click ang link na ito: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy.

Ang mga magpaparehistro ay may dalawang opsyon para ma-access ang platform: sa pamamagitan ng paggawa ng QC E-Services account gamit ang valid e-mail address o existing Google, Facebook, o Apple account.

Maaari ring mag-register bilang guest user, na ayon kay City Administrator Mike Alimurung, ay para sa mga indibidwal na ayaw gumawa ng account.

Pero payo ni Alimurong, “But having an account under the E-Services portal will be useful in the future, especially as we are in the process of migrating our transactions online.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ilalim ng QC Vax Easy Plus system ay may opsyon ang mga taga-Quezon City na pumili ng oras ng vaccination at venue na convenient sa kanila, batay sa availability ng bakuna. Photo: Quezon City Government on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results