DFA may bagong advisory tungkol sa release ng passport

by KC Cordero
Sep 24, 2021
Naglabas ang Department of Foreign Affairs ng bagong advisory kung saan at paano makukuha ng mga applicants ang kanilang passport. Photo courtesy of DFA

Ang mga passports na for pick-up sa Department of Foreign Affairs (DFA) Aseana ay ire-release sa Double Dragon Plaza sa Pasay City simula September 24, 2021.

Sa inilabas na advisory ng DFA noong September 23, sinabi nitong ang mga nasabing passports ay ire-release sa Islas Pinas sa Double Dragon mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lang kung may public holidays, mula 8:00 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Continue reading below ↓

Bago magpunta sa releasing site, ang mga passport applicants ay pinapayuhang i-check muna ang status ng kanilang passport sa pamamagitan ng Passport Tracking System at Pending Application Tracker.

Hindi pa available ang inyong passport kung ang ang pangalan niyo ay nasa Pending Application Tracker.

Para ma-claim ang inyong passport, dalhin ang original na DFA-issued receipt, valid I.D., at ang inyong lumang passport.

Kung ipakukuha sa iba ang passport, kailangan ng representative ng authorization letter o Special Power of Attorney mula sa applicant.

Sa kasalukuyan ay nagkakaroon ng mahabang pila sa DFA-Aseana ng passport applicants kasunod ng paglilipat ng appointments mula sa consular offices sa Metro Manila sa kanilang main office matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga empleyado.

Nakadagdag din sa mahabang pila ang dami ng mga aplikante na personal na kinukuha ang kanilang passports sa Aseana dahil pansamantalang walang courier service provider ang DFA.

Nasa 2,000 passports ang hindi pa mai-deliver dahil sa maling address o kakulangan ng authorization letters mula sa mga applicants na hindi personally present sa kanilang idineklarang address.

Continue reading below ↓

Ang mga pasaporteng ito ay ibinalik sa DFA para i-release sa mga mismong aplikante.

Pahayag ng DFA, "The Office of Consular Affairs is doing its best to serve clients in a timely manner, and there is no need to go to DFA Aseana very early in the morning to be able to avail of consular services within the day."

Plano ng DFA na magbukas pa ng maraming temporary offsite passport services sites sa National Capital Region at ibang probinsiya para mas maging manageable ang bilang ng applicants sa Aseana at sa 36 iba pang consular offices sa buong bansa.

Tiniyak naman ng ahensiya na patuloy nitong sisikaping maisaayos ang paghahatid ng serbisyo nito nang hindi makokompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ang Department of Foreign Affairs ng bagong advisory kung saan at paano makukuha ng mga applicants ang kanilang passport. Photo courtesy of DFA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results